"KUWAIS Philippines, Antonio?"
"Aiwa, Sadik."
"Kuwais, Susan?"
"Kuwais."
Balak nga niyang magbakasyon sa Pilipinas subalit baka sa isang taon daw. Gusto raw niyang makita ang sinasabing paglubog ng araw sa Manila Bay. Nababasa na raw ni Sadik ang tungkol sa sunset sa Manila Bay. Gusto raw niyang masaksihan iyon. Wala raw nito sa Riyadh o maski sa ibang siyudad na malapit sa dagat.
At ang pinaka-maganda niyang sinabi ay kami ni Susan ang magiging tourist guide niya. Siya raw ang bahala sa lahat ng mga gastusin. Sabay-sabay daw kaming magbabakasyon at sabay-sabay ding babalik sa Riyadh.
"Wow ang sarap naman kung matutuloy tayo sa Pinas," sabi ni Susan nang nasa kuwarto na kami at naghahanda na sa pagtulog. "Sana nga matuloy tayo next year ano, Tony?"
"Pilitin natin si Sadik."
"Problema natin kung saan siya patitirahin."
"E di sa hotel. Ang daming hotel sa Roxas Blvd."
"E tayo saan titira?"
"Di ba sabi ni Sadik e siya ang bahala?"
"Pati tayo sa hotel din titira?"
"Natural naman. Alangan namang iwan natin siya e tourist guide nga tayo."
Nangarap na kami ni Susan sa mga gagawin sa pag-uwi sa Pinas.
(Itutuloy)