Sadik (45)
December 10, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
NANG makarating kami sa bahay ay agad kong pinuntahan si Sadik sa kuwarto nito sa second floor para ipaalam na narito na si Susan. Nagbihis lamang si Sadik at lumabas na para harapin si Susan.
"Kaifa halek, Susan?"
Binulungan ko si Susan ng isasagot kay Sadik.
"Ana be sehah jaiyedah. Shokran."
"Ana musrur be leqa-ek."
Binulungan ko uli si Susan.
"Wa ana kazalek."
Nagtawa nang nagtawa si Sadik sapagkat maayos na nasasabi ni Susan ang mga dinidikta ko.
"Mabsut, Susan."
"Shokran, Sadik."
Pagkatapos noon ay ibinigay ni Susan ang pasalubong kay Sadik. Dalawang piraso ng rattan na pang-arnis. Tuwang-tuwa si Sadik na inabot ang dalawang rattan.
"Very good. Shokran!"
Gusto kasing mag-aral ni Sadik ng arnis. Nagpapaturo sa akin. Nakita raw niya kung paano ko natalo ang mga magnanakaw. Kung marunong daw siya ng arnis, maipagtatanggol niya ang sarili.
Pagkatapos niyon ay inutusan ako ni Sadik na ipaghanda ng makakain si Susan. Bahala na raw ako kung ano ang gustong ipakain kay Susan. Kahit ano raw. Kung gusto ko raw ay bumili ng kabsa sa kalapit na restaurant. Sabi koy bukas na lang.
Umalis na si Sadik para ipagpatuloy ang pagtulog.
Napag-isa na kami ni Susan sa kusina.
"Anong gusto mong kainin mahal na reyna?" tanong ko kay Susan. Napahagikgik naman ito.
"Gusto ko ng gatas na fresh, Tony."
"Gatas ng kamelyo gusto mo?"
"Ayoko. Gusto ko ng gatas ng baka."
"Pampalakas ang gatas ng kamelyo, Susan."
"Ayaw ko."
Ikinuha ko ng fresh milk si Susan. Ang para sa akin naman ay gatas ng kamelyo.
Ininom ni Susan ang gatas ng baka at ako ay ang gatas ng kamelyo.
"Alam mo kung bakit gatas ng kamelyo ang ininom ko?" tanong ko kay Susan.
"Hindi. Bakit ba?"
"Para malakas ako sa laban mamaya. Para laging nakasaludo si Totoy."
Kinurot ako nang maliliit ni Susan sa braso. Ang kurot ay naghatid sa akin ng kiliti.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended