Sadik (43)
December 8, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
"NOHANE okom, Antonio!" bati sa akin ni Sadik nang dumating ako mula sa King Khalid International Airport. Sana raw ay pagbutihan ko pa at manatili ang magandang ugali. Nasa bakuran si Sadik at iniinspek- siyon ang likod ng bahay. Sinisiguro na wala nang mga magnanakaw na makaaakyat doon. Pinataasan pala niya ang pader at bukod doon at pinalagyan pa ng ilaw. Magdamag na raw ang ilaw.
"Mafi muskila, Antonio?"
"Mafi, Sadik. Shok-ran," sagot ko naman sa pagpuri niya sa akin.
Sinabi niya na kapag nandito na raw ang asawa kong si Susan ay palalakhan niya ang aking kuwarto. Siyempre hindi na raw kami magkakasya roon.
"No need, Sadik," sabi ko. Malaki na iyon at hindi na kailangan pang lakihan.
"La. Your room is small!"
Ipaaayos daw niya iyon sapagkat maliit. Wala na akong ma-sabi. Gusto kong sabihin kay Sadik na ang inuupahan naming kuwarto sa Maynila ay kalahati lamang ng kuwarto ko rito.
Para raw comfortable kaming mag-asawa. Sinabi rin niya ang mga gagawin ni Susan. Sagot ko ay kayang-kaya ni Susan ang mga gawaing ba-hay. At saka tutulu- ngan ko naman siya.
Napansin kong masaya si Sadik. Natutuwa rin siya sa pagdating ni Susan.
Mabilis na lumi-pas ang isang buwan. Hanggang sa dumating ang araw na pagsundo ko kay Susan sa airport.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended