Sadik (41)
December 6, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
SINABI ni Sadik na aayusin na niya ang mga papeles para ma-hire si Susan. Habang hindi pa raw natatapos ang expiration ng visiting visa ni Susan ay kailangang maiayos na ang papeles sapagkat medyo may katagalan iyon.
Ilang araw ang nakalipas ibinalita ni Sadik sa amin ni Su-san na inaasikaso na niya ang mga papeles ni Susan sa Ministry of Interior. Medyo mahirap daw sapagkat nagbago na ang patakaran ng Saudi sa pag-hire ng maid at kailangang sumunod sa alituntunin para madaling maaprubahan. Mataas na rin daw ang filing fee. Pero masaya pa ring sinabi ni Sadik na kahit na gaano pa katagal ang pag-aapruba ay hihintayin. At kahit na raw gaano kamahal ang bayad ay hindi siya masisindak.
"Walah problemah bastah siyah kasamah Antonio, okey?"
Tawanan kami ni Susan dahil sa singaw na pagsasalita ni Sadik ng Filipino. Unti-unti na siyang natututong magsalita. Siguroy dahil sa kinakausap ko siya nang magkahalong Finglis (Filipino-English).
"Magaling! Magaling!" sabi ko.
"What magahling, Antonio?"
"Very good."
"Ow, mabsut?"
"Aiwa mabsut. Momtaz!"
Bago nag-expire ang visiting visa ni Susan ay naayos ang papeles niya sa Ministry. Kailangan nang umuwi si Susan sa Pinas at saka siya babalik pagkaraan ng isang buwan.
Nakalabas na ako sa ospital noon. Magaling na magaling na. Ako ang naghatid sa kanya sa King Khalid International Airport.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended