Sadik (ika-37 na labas)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

"BAKIT ganyan ang tingin mo Antonio?" tanong ni Susan nang makita na malagkit ang tingin ko sa kanya.

"Kasi’y masyado ka yatang gumanda Susan."

"Talaga namang maganda ako ah."

Napahalakhak ako. Pero napuwersa yata ng halakhak ang aking sugat at sumakit. Napangiwi ako.

"Ano? Anong nangyari Tony?"

"M-masakit Susan."

"Ang sugat?"

"Oo. Napuwersa yata pagtawa ko."

"Kasi ikaw tumatawa agad e sariwa pa ang sugat."

"Hindi ko mapigilang tumawa e."

"Tatawagin ko ba ang nurse?"

"Huwag na. Medyo nawawala na."

"Baka nagdudugo e mabuting masabi natin sa nurse...."

"Hindi naman siguro."

"Ano gusto mong ituloy ko ang kuwento habang paparito kami?"

"Sige."

"Malaki ang tiwala sa’yo ni Sadik kaya naman ang sabi niya sa akin, kahit na raw gumastos pa siya nang malaki e gagawin niya para gumaling ka kaagad. Hindi ka raw niya pababayaan. At alam mo meron pa rin siyang ipinagtapat sa akin..."

"Ano ‘yon?"

"Ano ba ang alam mo kay Sadik, siya ba ang iyong boss o katiwala lang siya?"

"Ang alam ko katiwala lang siya. Ang tunay na may-ari ay nasa Amerika."

Nagtawa si Susan.

"Ba’t ka nagtawa Susan?"

"Si Sadik ang tunay mong boss..."

Gimbal ako.

Itutuloy

Show comments