^

True Confessions

Sadik (ika-35 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

EXCITED ako sa pagkukuwento ni Susan kung paano siya nakarating sa Riyadh. Mahusay magkuwento ang aking asawa na parang nakikita at nadarama ang mga pangyayari habang siya ay nagsasalita. Para tuloy bigla akong lumakas at hindi na nadarama ang sugat na nilikha sa akin ng mga magnanakaw.

"Pagdating ko sa airport – ano na nga bang pangalan ng airport dito Tony?" tanong ni Susan.

"King Khalid International Airport," sagot ko.

"Oo iyon nga. May nagbigay sa akin ng itim na damit nang nakapila na sa Immigration. Isuot ko raw iyon dahil bawal ang walang suot na ganoon."

"Abaya ang tawag doon."

"Isinuot ko kaagad. Ipinapatong lamang naman di ba sa ibabaw ng damit. Tapos ay pinapila kami ng pulis. Ang bait ng pulis sa airport. Sabi mo sa akin noon, mababagsik…"

Napahagikgik ako.

"Mabait pala ang mga pulis at inuna ang mga babae sa pila."

Patuloy akong nakinig kay Susan.

"Nang matapos ako sa Immigration ay sandali lamang ako sa Customs sapagkat hindi na tiningnan ang aking bag.

"Nang lumabas ako sa Customs area ay tinungo ko na ang waiting area. Sabi kasi ni Sadik nang tumawag sa akin doon ako maghintay.

"Saglit akong naghintay at may lumapit sa aking maitim na lalaking Saudi. Diyos ko siya pala si Sadik. Sabi mo guwapo," at humagikgik pa si Susan.

(Itutuloy)

ABAYA

AKO

DIYOS

KING KHALID INTERNATIONAL AIRPORT

NANG

RIYADH

SABI

SADIK

TONY Z

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with