^

True Confessions

sadik(29)

-
SINAKAL ng magnanakaw ang matanda at saka tinuon dito ang matalas na patalim. Hindi makapiglas ang matanda sapagkat kapag kumilos siya ay maaring matusok siya ng patalim. Hindi na rin gaanong makakilos sapagkat matanda na nga. Ang magnanakaw ay tila desperado na. Balewala na kung mamatay. At desidido ni-yang patayin ang matanda kapag may lalapit.

"La maji! La maji!" sigaw ng magnanakaw habang unti-unting ibinabaon sa leeg ng matanda ang patalim. Huwag daw kaming lala- pit at tutuluyan niyang patayin ang matanda. At pagkaraan ay may nakikita akong dugo.

"La! La!" sigaw na-man ni Sadik. Napasugod si Sadik sa second floor makaraang mapatulog ko sa palo ng sandok ang kasamang magnanakaw.

Takot na takot si Sadik nang makitang may umaagos na dugo sa leeg ng ina. Hindi malaman ang gagawin. Pinayuhan ko si Sadik na bumaba muna kami at hayaan ang magnanakaw. Kung patuloy kaming nakikita ng magnanakaw ay tiyak na magiging desperado at baka tuluyan nang pagsasaksakin ang matanda.

"Mosa-adah Antonio," sabi ni Sadik. Tulungan ko raw siyang mailigtas ang kanyang ina sa magnanakaw.

"Aiwa Sadik. Aiwa."

Bumaba kami sa ground floor. Nakita namin na nagkakamalay na ang kasamang magnanakaw na pinalo ko ng sandok. Delikado kapag nanumbalik ang wisyo ng hayop.

Mabilis kong nakuha ang isang alambre na nasa kuwarto ko at iyon ang itinali ko sa magnanakaw. Hindi lamang kamay ang tinalian ko kundi pati na ang mga paa. Sinigurado kong hindi siya makatatakas. Pagkaraan ay ikinulong ko sa loob ng comfort room.

"Mosa-adah waledah, Antonio," sabing pakiusap ni Sadik.

Nag-isip ako kung paano makalalapit sa magnanakaw na hindi mapapansin. Tinanong ko si Sadik kung maaaring makaakyat sa kuwarto ng kanyang ina sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana. Puwede raw. Mayroon doong fire escape. Wala naman daw iron grills ang bintana.

Sinabi kong aakyatin ko ang bintana at lalapitan ang magnanakaw. At bahala na kung ano ang mangyari. Inatasan ko siyang tumawag sa mga pulis.

"Okey Antonio. Please help my mother."

"Mafi muskila."

Umakyat ako sa bintana sa pamamagitan ng pagdaan sa fire escape. Nahirapan ako sapagkat masyadong maliit ang bakal. Kinakalawang pa at pakiramdam ko ay mapuputol. Pero pinagsikapan kong makarating sa itaas. Nakasampa ako sa bintana at madaling nabuksan iyon.

Nakarating ako sa loob ng kuwarto. Marahang-marahan ang aking kilos at baka maramdaman ng magnanakaw ay biglang saksakin ang matandang hostage.

(Itutuloy)

AIWA

AIWA SADIK

BALEWALA

BUMABA

MAGNANAKAW

MATANDA

MOSA

OKEY ANTONIO

SADIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with