^

True Confessions

Sadik (ika-25 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

MINSANG nagrasyon kami ni Sadik ng gatas ng camel sa isang village sa Al-Kharj ay isang matandang lalaking Saudi ang nakita naming problemado sa pagpapaandar ng kanyang pickup. Sa likod ng pickup at nakakarga ang maraming prutas – melon, pakwang haba, ubas, at mga gulay. Ayaw mag-start ang pickup.

Nagpabagal ako ng takbo. Nakikiramdam si Sadik sa akin. Gusto kong tulungan ang matanda. May nalalaman ako sa pagkakalikot ng makina. Siguro’y mahina na ang bateriya ng pickup kaya ayaw mag-start o baka naman wala nang gasoline.

Sinabi ko kay Sadik na puwede ko bang ihinto ang sasakyan at matulungan ang matanda. Nakakaawa naman. Mainit na ang araw.

Tumango lamang si Sadik. Itinigil ko sa unahan ng pickup ng matanda ang sasakyan namin ni Sadik. Bumaba ako. Nanatili lamang si Sadik sa pagkakaupo pero nakatingin sa akin.

Lumapit ako sa matanda na noon ay pilit na pinaaandar ang kan-yang pickup. Nakita ko na problemado ang matanda.

"Muskila moder?"

Nagtaas ng tingin ang matanda. Noong una ay hindi ngumiti. Ang balbas niya ay pawang puti na. Parang si Santa Claus.

"Aiwa. Muskila saiyarah!"

May problema nga raw sa kanyang sasakyan.

"Muskila mobadarrah?" tanong ko.

"Aiwa, aiwa!"

Sinabi ko na buksan ang hood. Kailangang makita kung may problema sa bateriya.

Bumaba ang matanda. Marumi ang suot niyang sutana. Hindi na puti ang kulay ng sutana kundi kulay lupa na. Magsasaka ang matanda na walang ipinagkaiba rin kay Sadik. Iyon nga lamang hindi Negro ang matanda.

Binuksan nito ang hood. Sinilip ko. May suspetsa akong mahina ang bateriya kaya ayaw umandar. Tiningnan ko ang bateriya at may mga kinalikot ako roon. Ini-utos kong paandarin ng matanda. Pero ayaw pa rin. Mukhang malala na ang problema ng sasakyan. Sinubukan kong kalikutin pa ang ibang pinagsususpetsahan kong may problema. Iniutos kong paandarin pa uli. Ayaw talaga. Mukhang mapapahiya ako.

Sinulyapan ko si Sadik. Prenteng-prente sa pagkakaupo at nakatingin sa akin. Tila nararamdaman ko namang nasusunog ang aking mukha dahil sa pagkakababad sa araw. Pasado alas-diyes na ng umaga. Kapag inabot kami ng alas-onse rito tiyak na para akong tinustang pandesal.

Nang masubukan ko na ang lahat ay saka ko pinagpasyahang itulak na lamang ang pickup para ito umandar. Iyon na lamang ang tanging paraan.

Sabi ko sa matanda, iistart niyang dahan-dahan kapag unti-unti nang gumagalaw ang sasakyan.

Mahirap itulak sapagkat maraming karga. Mabuti na lamang at medyo palusong nang bahagya kaya naging magaan.

Ubos lakas ang ginawa kong pagtutu- lak. Bahagya kong naitulak dahil sa bigat. Naglabasan ang ugat ko sa braso. Unti-unting bumubukal ang aking pawis sa noo at leeg. Sinulyapan ko si Sadik na nakatingin lamang sa akin habang nagtutulak. Tila walang pakialam.

(Itutuloy)

vuukle comment

AIWA

AYAW

BUMABA

IYON

KONG

LAMANG

MATANDA

MUSKILA

SADIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with