ITINULAK pa ako ng pulis at pinagmumura ako. Hindi ko raw dapat ipinarada ang sasakyan sapagkat makaaabala sa trapik. Nag-sorry ako at akmang pupunta na sa aking sasakyan su-balit sinipa ako ng pulis. Tinamaan ako sa hita. Masakit.
"Muskila Filibin!"
Narinig kong sabi ng isa pang pulis. Sa pagkakataong iyon ay naalala ko at parang nakita ang mabagsik na pulis na nasa King Khalid International Airport na tumulak sa akin dahil nawala ako sa pila. Walang ipinagkaiba ang nadama kong takot noon sa takot na nadama ko ngayon.
Nag-sorry muli ako sa dalawa pero patuloy ang mabagsik na pulis sa pag-atake sa akin. Kung siguroy may baril ang pulis ay baka binaril na ako. Salamat at walang baril ang mga pulis sa Saudi.
Akma akong sasak- tan pa uli ng pulis nang bigla akong may marinig na nagsalita.
"Qef! Enthader!"
Napalingon ako at ganoon din ang dalawang pulis sa nagsalita. Iyon ang matandang pulubi na tinulungan ko kanina.
"La! La!" sabi ng matanda na binabalaan ang dalawang pulis anumang gagawin pa sa akin.
Tuwang-tuwa ako sapagkat nang magsalita ang matanda ay biglang lumayo ang dalawang pulis na para bang natakot. Parang nabahag ang buntot ng dalawang pulis na nagtungo sa ilalim ng punong kahoy.
Shokran! Shokran!" sabi kong walang tigil.
"Mafi muskila."
"Men altafikum," sabi ko pa.
"Ahlan wa sahlan," sagot niya.
At saka humakbang na patawid sa kalsada. Akma kong tutulungan muli pero huwag na raw.
"Mafi muskila."
Hindi na ako nagpu- milit. Tinungo ko ang sasakyan. Pinaandar ko. Nang lingunin ko ang matandang Saudi ay wala na siya. Iglap na nawala. Nasaan na ang matanda.
Ang pangyayaring iyon ay hindi ko naman sinabi kay Sadik. Minabuti kong ilihim.
(Itutuloy)