MALUNGKOT pala ang buhay-may-asawa ni Sadik. Nakalasap nang matinding kabiguan sa buhay dahil sa ginawang kataksilan ng asawa.
Tinanong ko siya kung kailan muli hahanap nang mapapangasawa. Tumawa siya nang malakas. Ang mapuputing ngipin ay nakita ko.
"Muskila, Antonio," sabi at tinapik ako sa balikat.
"Mafi muskila. Fi habibi."
Nagtawa nang nagtawa. Sabi ko kasiy maraming babae. Marami pang mamahaling babae at baka makakita pa siya nang mas matapat kaysa sa kanyang naunang asawa.
Umiiling-uling.
"Muskila."
Natatakot na raw siyang umibig at baka ang magustuhan niya ay masama na naman. Naisip ko, grabe nga ang idinulot na sakit ng unang asawa. Nagkaroon siya ng phobia.
Saka ang hindi ko inaasahan ay nang tanungin niya ako kung maligaya ako sa buhay-may-asawa. Wala raw ba akong problema sa aking asawang si Susan. Minsan ay sinabi ko sa kanya ang pangalan ng aking asawa.
"Mafi muskila, Sadik. My wife is very loving, kind, understanding and pretty..." sabi ko.
"Good. How many children."
"No children."
Sa pagkakataong iyon ay gusto ko nang sabihin kay Sadik na kung maaari ay kunin na rin niyang maid ang aking asawa para magkasama na kami.
"She is working, Antonio?"
"No. She is housekeeper."
"Ah."
"Good housekeeper?"
"Yes! Very industrious."
Tumingin sa akin nang may kahulugan si Sadik. Baka nga interesado siyang kuning maid si Susan. (Itutuloy)