IPINALIWANAG sa akin ni Sadik na ang mga tamr (dates) na iyon ay harvest mula sa plantation. Kuku- nin ang mga tamr at saka dadalhin sa isang malaking factory at doon iyon isasaila- lim sa quality control. Saka pa lamang ipa-packed. Mahuhusay daw na variety ang mga tamr na iyon na kadalasang pati ang mga prinsipe at prinsesa ay iyon ang pinaoorder. Mangha ako sapagkat kung ang mga prinsipe at prinsesa ay umoorder ng tamr na iyon, ibig sabihin, masarap talaga.
Saka sinabi ni Sa-dik na ang kinain kong tamr habang nagbibiyahe kami ay dito mismo galing.
"Good variety, Antonio. Very delicious!"
"Aiwa, Sadik."
Sinamahan ko si Sadik sa pag-ikot sa bodega ng tamr. Malaki ang bodega subalit wala naman akong nakikitang nagbabantay. Ang nakita ko ay isang lalaki na ina- alis ang mga tuyong dahon ng tamr na nakatanim sa paligid ng bodega. Ang mga mga puno ng tamr ang nagsisilbing lilim sa bodega. Naisip ko, wala kasing magnanakaw sa Saudi o kung meron man, kakaunti kaya hindi na kailangang guwardiyahan ang bodega. Hindi katulad sa Pilipinas na nagkalat ang magnanakaw.
"Kalas!" sabi ni Sadik nang makaikot kami.
Ibig niyang sabihin "finished".
"Yalla Antonio."
Niyaya na niya akong umalis.
Habang tumatakbo pabalik sa Riyadh ay naisip ko na mayaman ang taong pinaglilingkuran namin ni Sadik. Hindi biro ang ari-arian. Sa gatas na lamang ng kamelyo ay tumitiba na sa pera at mas lalo pa sa tamr na mga prinsipe at prinsesa pa ang mga umuorder.
Iniisip ko kung ano naman ang pupuntahan namin ni Sadik kinabukasan. Enjoy naman ako sa traba- ho ko kahit na malayo ang mga lugar na pinupuntahan at saka mabait sa akin si Sadik. Masuwerte na rin ako sa trabahong napuntahan dito.
(Itutuloy)