^

True Confessions

Sadik (13)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

IPINALIWANAG sa akin ni Sadik na ang mga tam’r (dates) na iyon ay harvest mula sa plantation. Kuku- nin ang mga tam’r at saka dadalhin sa isang malaking factory at doon iyon isasaila- lim sa quality control. Saka pa lamang ipa-packed. Mahuhusay daw na variety ang mga tam’r na iyon na kadalasang pati ang mga prinsipe at prinsesa ay iyon ang pinaoorder. Mangha ako sapagkat kung ang mga prinsipe at prinsesa ay umoorder ng tam’r na iyon, ibig sabihin, masarap talaga.

Saka sinabi ni Sa-dik na ang kinain kong tam’r habang nagbibiyahe kami ay dito mismo galing.

"Good variety, Antonio. Very delicious!"

"Aiwa, Sadik."

Sinamahan ko si Sadik sa pag-ikot sa bodega ng tam’r. Malaki ang bodega subalit wala naman akong nakikitang nagbabantay. Ang nakita ko ay isang lalaki na ina- alis ang mga tuyong dahon ng tam’r na nakatanim sa paligid ng bodega. Ang mga mga puno ng tam’r ang nagsisilbing lilim sa bodega. Naisip ko, wala kasing magnanakaw sa Saudi o kung meron man, kakaunti kaya hindi na kailangang guwardiyahan ang bodega. Hindi katulad sa Pilipinas na nagkalat ang magnanakaw.

"Kalas!" sabi ni Sadik nang makaikot kami.

Ibig niyang sabihin "finished".

"’Yalla Antonio."

Niyaya na niya akong umalis.

Habang tumatakbo pabalik sa Riyadh ay naisip ko na mayaman ang taong pinaglilingkuran namin ni Sadik. Hindi biro ang ari-arian. Sa gatas na lamang ng kamelyo ay tumitiba na sa pera at mas lalo pa sa tam’r na mga prinsipe at prinsesa pa ang mga umuorder.

Iniisip ko kung ano naman ang pupuntahan namin ni Sadik kinabukasan. Enjoy naman ako sa traba- ho ko kahit na malayo ang mga lugar na pinupuntahan at saka mabait sa akin si Sadik. Masuwerte na rin ako sa trabahong napuntahan dito.

(Itutuloy)

vuukle comment

AIWA

HABANG

RIYADH

SADIK

SAKA

TAM

TONY Z

YALLA ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with