Sadik (ika-7 na labas)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

NAGTATAKA na ako kaya tinanong ko na si Negro kung sino ba talaga ang aking magiging amo. Sagot sa akin ay wala ang amo at nasa ibang bansa pa. Matagal pa raw bago bumalik. Sila raw mag-ina ang katiwala sa bahay na iyon. Sabi ko na nga ba. Sa itsura pa lamang ni Negro ay halata ko nang siya ay isang busabos na Saudi. Naisip ko meron din palang mahihirap na Saudi. Talagang ganoon siguro ang kalagayan ng mga itim. Kahit saan ay may racial discrimination. Sila ang alipin ng mga puting Saudi.

Itinuro sa akin ni Negro kung saan ang aking kuwarto. Sa ground floor sa may malapit sa garahe. Malinis ang kuwarto at malaki. May spring bed at may cabinet ng damit. May lumang TV na nakapatong sa mesa. Nakita ko ang aircon.

"Mafi muskila, Antonio?"

"No problem."

Tumawa si Negro. Lumantad ang mapuputing mga ngipin. Bago umalis sinabi sa akin na sa umaga ay mayroon kaming puputahan. Kailangan daw ay ihanda ko ang aking sarili sapagkat malayo ang aming pupuntahan.

"Okey Antonio?"

"Okey. No problem."

Umalis na si Negro. Isinara ko ang pinto. Nalimutan kong itanong ang kanyang pangalan. Di bale bukas naman ay maaga kaming aalis.

Naupo ako sa kama. Lumangitngit iyon. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kuwarto. Malaki pa ito kung ikukumpara sa kuwartong inuupahan namin ng aking asawa sa May-nila. Malinis na malinis. Sa aming kuwarto ay doon na ang tulugan, kainan at panooran ng TV. Ang kubeta ay nagsisilbing paliguan na rin. Mayroon pa kaming ka-share sa kubetang iyon. Mahirap ang kalagayan namin sa kuwartong iyon sapagkat mainit. Kapag araw na nagpapahinga ay maririnig ang paglalaro ng mga daga sa kisame. Dito sa aking kuwarto ay malinis at wala akong naririnig na pagla-laro ng daga. Ni ipis ay wala akong makita. Mula nang ikasal kami ng aking asawa ay doon na kami nanirahan.

Ngayong ang kalagayan ng aking buhay dito sa Riyadh ay medyo mababago, nakakadama ako ng awa sa aking asawa. Kawawa naman na magtitiis siya ng init sa kuwarto. Hindi katulad ng kalaga- yan ko ngayon na maaari akong naka-aircon sa magdamag. Mabuti na lamang at wala pa kaming anak. Kung hindi e magti-tiis ng hirap sa buhay. Ngayong narito na ako sa Riyadh, pag-aaralan kung mabuti ang language ng mga Arabo. Kapag natuto ako ng Arabic, kaya ko nang makipagbalitak- takan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pero mas maaga pang nagising si Negro kaysa akin. Nasa harapan na siya ng bahay at nagdidilig ng halaman.

(Itutuloy)

Show comments