^

True Confessions

Ebo at Adan (Wakas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

SA kubong iyon namin napagmasdan ni Joan ang unti-unting paglubog ng araw. Ang nagbabagang bola ay unti-unting kinain ng dagat.

"Ang ganda ano, Dan?"

"Oo. Ngayon ko lang napagmasdan ang ganyang kagandang kalikasan. Sa Manila Bay ay nakita ko na ang paglubog pero hindi katulad nito na parang ang lapit-lapit natin sa bolang apoy."

"Araw-araw ay nakikita ko ‘yan, Dan. Mag-isa ako rito at kung minsan ay sa balkonahe ng bahay nag-aabang. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi nakita ang paglubog. Kaya kapag masama ang panahon, naaasar ako…"

"Lalo na kapag may bagyo?"

"Oo."

"Ngayon, maaasar ka pa kahit hindi mo na makita ang paglubog ng araw?"

"Hindi na siguro kasi andito ka na. Maka-kaya ko na ang lahat."

"Talaga?"

"Oo."

"Parehas tayo Joan. Nalampasan na natin ang mga bagyo ng buhay kaya kahit mayroon pa mang ibang unos na magdaan, hindi na tayo mahihirapan."

"Tama ka Dan."

Hanggang sa marinig namin ang tawag ni Minda. Handa na raw ang mesa para sa hapunan

"Halika na, Dan."

Masaya kaming naglakad patungo sa bahay.

Doon na kami sa resort na iyon namalagi kahit na nakapanga-nak na si Joan. Lalaki ang aming anak. Isang guwapo at malusog na lalaki.

Tuwing weekend ay dinadala ko sa Villa Aurora resort sa Balayan ang aking dalawang anak para makapiling nila si Joan at kanilang kapatid. Tanggap na tanggap ng dalawa kong anak na babae ang kanilang mommy Joan.

Isang taon pa ang lumipas at nagpakasal kami ni Joan.

Napakaganda niya sa damit pangkasal. Walang mag-aakala na ang babaing iyon sa likod ng trahe de boda ay isang dating tibo. Masaya ang naging kasalan nina Ebo at Adan.

(ABANGAN BUKAS ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA KUWENTO NA MULA PA RIN SA PANULAT NI RONNIE M. HALOS.)

ADAN

ARAW

BALAYAN

ISANG

MASAYA

NGAYON

OO

SA MANILA BAY

VILLA AURORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with