MABAGAL ang ginagawa naming paglalakad. Inaalalayan ko si Joan sapagkat nahihirapan na siya dahil sa laki ng tiyan.
"Tuwing umaga at hapon ay ganito ang ginagawa ko, Dan..."
"Kasama mo si Minda?"
"Oo. Magandang ehersisyo ito Dan. Para raw madali kong ilabas tong anak natin."
"Kung noon ko pa nalaman na narito ka sa Balayan, e matagal na nating ginagawa ito."
"E di hindi sana kita na-miss nang todo."
"Ibig mong sabihin, kailangan pang magkahiwalay tayo para mo ako ma-miss nang todo."
"Oo. Maraming beses ko kasing tina- nong ang sarili ko rito kung para ka talaga sa akin."
"Anong sagot?"
"Ikaw talaga. Hindi na ako nagkakamali. Na-miss kita nang labis."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Joan.
"Doon tayo sa kubo."
Nagtungo kami roon.
"Masarap dito Dan. Pagkatapos kong maglakad, dito ako sa kubo at saka tatanawin ko ang dagat. Kapag nakita ko ang mga alon na tila naghahabulan, nababawasan ang mga iniisip ko sa buhay. Kasunod ay naidadalangin ko, na sana ay matapos na ang pag-iisa ko rito sa Villa Aurora. Sana ay dumating ka na..."
Niyakap ko si Joan. Hinalikan ko siya sa labi. Iyon ang unang pagkakataon na nahalikan ko siya maka- raan ang paghihiwalay. Sa pagkakataong iyon ay nasabi ko sa aking sarili na hindi na kami maghihiwalay ng babaing ito. Mahal na mahal ko si Joan.
(Tatapusin)