^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-85 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

WALANG kamalay-malay si Rina sa nangyayari sa amin ni Joan. Pakiramdam ko, buung-buo ang paniwala ni Rina na mayroon pa akong erectal dysfunction. Na hindi na ako maaaring magpaligaya pa ng babae. At isa marahil iyon sa mga dahilan kaya nagmamatigas na siyang magkabati o magkabalikan kami. Pakiramdam ko wala na siyang pagmamahal sa akin. Maaari rin namang dahil sa pambababae ko noon kaya tuluyang lumayo ang kanyang loob. Sinira ko ang pagtitiwala niya. At ang isa pa ring dahilan, na posibleng mangyari, si Rina ang lumalabas na "pusong lalaki". Iyon ang aking nakikita. Batay sa mga kilos niya kahit may nararamdamang sakit ay nakikita ko ang palatandaan. Siya na ang tibo at hindi si Joan.

Matagal kong inisip ang mga iyon. Para naging masalimuot ang aking problema. At kung malalaman ni Rina ang relasyon namin ni Joan, baka lalong magkagulo ang tabakuhan.

Minsan isang gabi, makaraan naming magtalik ni Joan ay hindi na niya napigil ang sarili. Ibinulalas niya ang nararamdaman.

"Natatakot ako Dan sa maaaring mangyari sa atin," sabi at sumubsob sa dibdib ko.

"Huwag kang matakot. Narito naman ako."

"Paano kung matuklasan na ni Rina itong ginagawa natin?"

"E di harapin."

"Sino ang pipiliin mo?"

Mahirap na tanong. Naipit ako. Pero kailangan kong magpasya.

"Ikaw ang pipiliin ko."

Hindi nakasagot si Joan. Tila hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Kung maitatago natin ito, gawin natin. Patuloy tayong magkunwari na wala tayong relasyon..."

"Parang hindi ko kaya Dan."

"Kaya mo, Joan."

"Kaibigan ko ang tinuklaw ko."

"Ako naman ang nagsimula hindi ikaw."

"Kasalanan ko rin Dan. Pumayag ako."

"Dahil mahal mo ako kaya mo nagawa iyon."

"Naguguluhan ako, Dan."

(Itutuloy)

AKO

BATAY

DAHIL

HUWAG

IBINULALAS

IKAW

PAKIRAMDAM

RINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with