Ebo at Adan (ika-79 na labas)
October 5, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
"BAT ka hindi nakauwi nang maaga Dan?" tanong ni Joan.
"Ora-orada kasing may pinagawa ang boss ko. Siyempre hindi ko matanggihan at boss yon."
"Bakit hindi ka man lamang tumawag?"
"Nalimutan ko. Sa sobrang pagkasubsob ko sa trabaho, nalimutan kong tawagan ka."
Nakita kong medyo umismid si Joan.
"Siguro, nambabae ka lang kaya hindi ka naka- uwi nang maaga."
Nagtawa ako.
"Paano ako makapambababae e hindi nga sumasaludo si "Sir Peter".
Humagalpak si Joan sa sinabi ko.
"Mahirap mambabae kapag hindi nakasaludo si "Sir Peter". Ano sa palagay mo, Joan?"
Hindi sumagot. Ipinagpatuloy ang pagkain.
"Nag-overtime talaga ako. Minadali ko nga kaso ay hindi umubra."
"Sige na. Naniniwala na ako."
"Basta sa sunod na magluto ka ng masarap, talagang maaga na ako. Promise!"
Ayos na uli kami ni Joan. At aywan ko kung bakit nasisiyahan ako sa mga inuugali niya sa akin. Kaya nga nang muli siyang magluto ng pagkaing specialty niya ay sinikap kong makauwi nang maaga. At tuwang-tuwa naman siya.
"Kung ganyan ka lagi kaagang dumating e di magkakasundo tayo," sabi at tinapik ako sa likod.
"Masarap ang luto kong yan. Tilapia na binalot sa dahon ng gabi at saka ginataan. Pagkatapos ay may tinadtad na sili," sabi at nilagyan pa ako ng mainit na kanin sa pinggan.
"Ang sarap nga! Whooo ang anghang!"
Nagtawa nang nag-tawa si Joan. Hindi maipaliwanag ang kasiyahan sa mukha.
Hanggang sa tumagal at nakasanayan ko na ang mga ginagawa niya sa akin na pag-aasikaso sa pagkain. Hindi lamang sa pagkain kundi pati na rin sa pag-aasikaso niya sa mga gagamitin ko sa paliligo sa umaga. Siya na ang naghahanda ng tuwalya at brief ko. Siya na rin ang gumigising sa akin kapag napapasarap ako sa pagtulog. Gaya minsan na napasarap ako ng tulog. Nagising ako na kinakalabit ni Joan.
"Alas-sais na Dan!"
Napapitlag ako sa kalabit niya. Kasiy ang tinamaan ng kanyang kalabit ay ang nakasaludong si "Sir Peter".
"Ay ano yan?"
Nakatirik ang "alaga" ko. Hindi maaaring maipagkaila. Nakabakat sa aking shorts.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended