Ebo at Adan (73)

(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

"PUWEDE naman akong matulog sa sopa, Joan..." sabi ko nang nakapasok na sa guest room.

"Bakit ka magtitiis dun e meron namang kama dito?"

"E paano ka?"

"Ang kulit mo naman. Malaki naman ang kama e."

Binibiro yata ako ng babaing ito este tomboy na ‘to. Siguro dahil sa close na kami at nagtuturingan nang magkaibigan kaya ganoon na ang tiwala sa akin. Madaling makuha ang loob niya.

"Kung doon ka na muna matulog sa kuwarto namin ni Rina..." sabi ko na parang lumalabas na ako pa ang tumatanggi sa alok niya. Pero may dahilan siya.

"Ayaw niya nang malikot sa pagtulog. Ako kasi bumabangon nang bumabangon dahil madalas akong dyuminggel. Madali siyang mairita kapag may gumagalaw sa kuwarto. Ayaw pang bubuksan ang lampshade...."

"Sige kung dito e di dito ako matutulog. Pero pwede na rin ako rito sa baba. May carpet naman e."

"E di para ka ring nakahiga sa sopa sa labas. Dito ka na sa kama. Malapad naman. Doon ako sa kabilang dulo at doon ako sa kabila..."

"Malikot din akong matulog Joan..."

"Okey lang, malikot din naman akong matulog e."

Pumuwesto na ako sa kabilang dulo ng kama. Hinatak ni Joan ang kumot at kinuha ang tat-long unan. Isa ang ibinigay sa akin.

"Okey na ang unan ko, Joan."

"Kunin mo na ‘to," sabi sabay hagis ng unan sa tabi ko.

"Salamat."

"Naghihilik ka ba, Dan?"

"Hindi ko alam."

"Ako naghihilik e. Baka maistorbo ka."

"Okey lang tatakpan ko na lang taynga ko."

Inayos ko ang unan na ibinigay ni Joan. At naisip ko siyang biruin.

"Ang ikinatatakot ko baka managinip ako na nangrereyp ng babae at ikaw ang mapagbalingan ko..." nakatawa ako nang sabihin iyon.

"Okey lang."

"Hindi ka natatakot?"

"Ba’t ako matatakot e alam ko namang hindi na lumalaban si Manoy mo..."

Para akong sinampal sa sinabi niya. At hinid pa nakuntento ay idinugtong pang tanong:

"May erectal dysfunction ka raw sabi ni Rina, totoo ba?"

Hindi agad ako nakasagot.

(Itutuloy)

Show comments