^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-61 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L)

LABIS na sakit ng kalooban dahil sa asawang nangaliwa ang nagtulak kay Nick para magbigti. Pero naisip ko, totoo nga kayang nagbigti siya. Hindi kaya nagkaroon ng foul play? Posibleng mangyari iyon. Maaaring nahuli ni Nick ang magkalaguyo sa bahay at nagkaroon ng komprontasyon. Sinakal si Nick at gasino nang palabasing nagbigti si Nick. Naisip ko ang senaryong iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ang tulad ni Nick na may mataas din namang pinag-aralan ay magbibigti. Wala sa tipo ni Nick na papatayin ang sarili dahil lamang sa asawang taksil. Siguro ay hindi na nireport sa pulisya ang pangyayari. Mahahalungkat nga naman ang lahat. Baka halukayin pa ang mga anggulo.

Ang mga iyan ay sapantaha ko lamang – na posibleng mangyari. Kung tama ang aking sapantaha, nakaaawa naman si Nick. Iniputan na sa ulo ay "pinatay" pa. At malakas ang kutob ko na ang lalaking guwapo at medyo bata pa na nakita ko sa burol kanina ang kalaguyo ng biyuda ni Nick.

Masuwerte pa rin ako kumpara kay Nick. Nagtaksil din ang asawa ko pero hindi naman sa lalaki pumatol kundi sa isang tomboy. Mas madaling dalahin. Ang kalaban ko sa aking asawang si Rina ay walang "lawit" kaya safe mabuntis. Masuwerte pa rin ako.

Pero magkaganoon pa man, hindi ko pa rin mapapahintulutang habambuhay akong pagtawanan ng tibong si Joan. Kahit na ba hindi niya kayang buntisin ang asawa ko, masakit pa rin sa akin. Hindi pa rin matanggap ng aking pride na isang tibo lamang ang aagaw sa aking asawa.

Makalipas ang dalawang linggo ay saka kami nagkita ni Hilda. Hindi sa club na pinagsasayawan niya kami nagkita kundi sa kuwarto niyang inuupahan.

At masama ang balita niya. Dismayado ako.

"Hindi ko kaya Dan," sabi ni Hilda na sa tingin ko ay parang problemado.

"Sabi ko na nga ba."

"Papatayin ako..."

Doon ako napaangat sa pagkakaupo.

"Papatayin ka nino? Ni tibo?"

"Hindi."

"Nino nga"

"Nang asawa mo!"

Naguluhan ako.

"Ikuwento mo nga."

"Pinuntahan ako ni tibo sa club. Nagsolo kami sa cubicle...tapos ayun. Hindi ko alam na nasundan pala siya ng asawa mo..."

"Pagkatapos?"

"Huli kami sa cubicle. Muntik na akong saksakin ng basag na bote ng beer."

"Nagawa iyon ni Rina?"

"Nagawa niya, Dan. Sobrang selos niya sa akin..."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

HILDA

MASUWERTE

NAGAWA

NICK

PAPATAYIN

PERO

RINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with