Ebo at Adan (ika-54 na labas)
September 10, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
SINABI ko kay Hilda ang mga paboritong tambayan ni Joan at aking asawa. Narinig ko ang pag-uusap nila. Mahilig uminom si Joan. Hindi naman naglalasing kundi umiinom lang para magsaya. At nahihikayat na niya ang asawa kong si Rina na uminom. Dati kapag binibigyan ko ng beer at red wine si Rina ay ganoon na lamang ang tanggi. Pinilit ko minsan. Tinungga ang laman ng basong ibinigay ko. Inubos sa isang tungga. Pagkatapos ay nagsuka. Hindi raw niya gusto ang lasa. Ngayon ay mas malakas pa yatang uminom kaysa akin si Rina. Mahusay magturo si Joan.
"Saang lugar ang kanilang hangout, Dan?"
Sinabi ko.
"Malayo Dan."
"Dadalhin kita roon."
"Mas maganda kung sa mismong club namin siya magpunta."
"Mahirap yun, Hilda. Paano nila malalaman ang Mayumi e hindi pa naman nila gaanong nasasaliksik ang buong Maynila," ang Mayumi na binanggit ko ay club nina Hilda.
"Bahala na Dar. Ako na ang bahala. Basta aalalayan mo lamang ako sa gagawin ko kay tibo. Kailangang malaman ko kung saan ang bahay mo, Dan."
Sinabi ko. Inisip ko kung ano ang gagawin ni Hilda para makilala si Joan at nang maakit. Kayang-kaya daw niyang agawin si Tibo.
Kinabukasan, nagulat ako nang may tumawag sa gate nang umagang-umaga. Hindi pa ako pumapasok sa opisina. Si Hilda ang kumakatok at kunwari ay nanghihingi ng abuloy. May ipinakikitang papel para maawtorisahang magbahay-bahay at manghingi ng donasyon.
"Pumatok kayang gimik mo?" tanong ko.
"Huwag ka nang maingay. Nandiyan ba ang asawa at si tibo?"
"Tulog pa."
"Babalik ako mamaya."
"Sige ikaw ang bahala. Mag-ingat ka lang."
"Mga anong oras ba nagigising ang mga iyon?
"Para sigurado, mamaya ka na lang alas onse pumunta."
"Sige."
"Ireport mo sa akin ang resulta mamaya."
"Opo Sir."
Umalis na si Hilda. Ako naman ay nagbihis na at nagtungo na sa opisina. Nasasabik ako sa resulta ng gagawin ni Hilda para makilala si tibo.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended