^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-34 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

OKEY na okey si Hilda. Hindi ako maaaring magkamali sapagkat nagawa ko na ang gusto ko sa kanya. Wild talaga ang babaing ito na nagbigay ng panibagong buhay sa lulugu-lugong si "Sir Peter".

"Ayos, Dan?"

"Ayos."

Hindi ako makapaniwala pero si Hilda lamang pala ang kailangan ko. Kung anu-ano na ang naisip ko pero isang GRO lamang pala ang makasosolb ng problema ko.

Mula sa banyo, niyaya na ako ni Hilda sa kama.

"Baka mapulmonya tayo rito Dan."

"Oo nga."

At hindi nagbago ang porma kahit na naroon na kami. Talagang magaling na ako. Nanumbalik na ang lakas ko. Kung ano ang nagawa ko noon sa mga dati kong tsiks, ganoon ang ginawa ko kay Hilda.

"Ano ba ang sinasabi mo kanina na baka may matuklasan ako sa iyo e bigla kitang iwanan?"

"A wala ‘yon. Huwag mo nang isipin ‘yon."

"Pero kahit na malaman ko ang "lihim" mo, hindi kita iiwan."

"Gusto mo magsama na tayo?" tanong ko.

"Pag-iisipan ko, Dan. Mahirap nang mapasubo. Maraming beses na rin akong nadapa sa pakikipagrelasyon."

Seryoso ako na kung gusto ni Hilda na ibahay ko siya, gagawin ko. Gusto ko siyang premyuhan sa ginawa niyang pagpapanumbalik sa aking nawalang "lakas". Dahil sa ginawa niya, hindi na makapagmamalaki ang asawa kong si Rina. At puwede ko na ring tadyakan si Joan.

"Puwede mo naman akong siyotain na lang," sabi ni Hilda.

"Anong gusto mong sabihin? "Puntahan mo na lang ako sa club. Tapos kung gusto mong lumabas, e di labas tayo. Hanggang diyan lang naman talaga ang katulad kong GRO."

Para akong kinurot ni Hilda.

(Itutuloy)

AKO

ANO

ANONG

AYOS

BATAY

DAHIL

GUSTO

HILDA

SIR PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with