Ebo at Adan(33)

(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

"HALIKA ka na, Dan," yaya ni Hilda. Nakatapi na siya ng tuwalya.

Kumilos ako. Naghubad ng damit at pantalon at nagtapi rin ng tuwalya.

"Huwag mo akong iiwan kapag may natuklasan ka, Hilda?"

"Ano ba yon? Wala ka namang tattoo. Wala ka ring sakit sa balat…"

"Basta. Ang pakiusap ko lang huwag mo agad akong iiwan."

"Talagang hindi ako nang-iiwan lalo at hindi pa nagbabayad."

"Wala kang puproblemahin sa akin tungkol sa bayad. Marami ako."

"Kahit wala kang pera hindi kita iiwan, Dan."

"Talaga?"

"Oo."

"Iba ka talaga Hilda."

"Halika na nga."

Hinila na ako ni Hilda sa kamay at tinungo namin ang banyo.

Magkasama ka-ming tumapat sa shower. Masarap kayakap si Hilda. Tamang-tama ang katawan sa yapos ko. Wala akong makapang taba sa katawan. Flat na flat ang tiyan pero umalsa naman ang dalawang hinog na papaya.

"Mahal mo ba talaga ako Hilda?"

"Oo."

"Gusto mo huwag ka nang bumalik sa club?"

"Hindi puwede."

"Bakit?"

"Basta. Malaki ang utang ko sa may-ari."

"Magkano?"
"Basta malaki."

Kumilos si Hilda at dumausdos ang mga kamay pababa sa tiyan ko. Dumako roon. Dinama nang todo. Namalagi roon. Nang inaakalang walang mangyari ay tuluyan na siyang lumuhod sa hara- pan ko. Sinamba na ako. Ganoon din ang ginawa ng mga tsiks ko noon. Marami sila. Pero kakaiba si Hilda sa kanila. Tama ngang tawagin ko siyang Wilda. Kakaiba si Hilda sapagkat nagkaroon ng buhay ang lulugu-lugong si "Sir Peter".

"Okey ba, Dan?"

"Okey."

(Itutuloy)

Show comments