"WALA ka na bang gagawin sa stage?"
"Meron pang isang number."
"Paano tayo makaaalis nang maaga?"
"Saglit lang iyon."
"Umorder ka na ng gusto mo Wilda, este Hilda."
"Mamaya na busog pa ako e."
"Matagal ka na ba rito Hilda?"
"Mga six months pa lang."
"Saan ka dati?"
"Doon sa kabilang club."
"Bat ka umalis dun?"
"Makunat yung may-ari."
"E dito?"
"Okey na rin. Mas marami kasing pumapasok na customer dito. Kilala na kasi ito."
"Ikaw daw ang star dancer dito?"
"Hindi a. Sinong nagsabi?"
"Yung waiter."
"Niloloko ka lang nun."
"Magaling ka naman talaga kaya naniniwala ako. Ang ga- ling mong tumambling, Hilda..."
"Na walang damit?"
"Korek ka diyan!" sabi at nagtawa.
Pumasok ang waiter. Tinanong ako kung ano ang order namin ni Hilda.
"Ladies drink na lang para sa kanya. Busog pa raw e."
"Iyon lang Sir?"
"Bigyan mo pa ako ng dalawang beer."
"Yes Sir," sabi ng waiter at lumabas na.
"Baka malasing ka, Dan," sabi ni Hilda.
"Mas ginaganahan ako kapag may karga."
"Sure ka ha?" sabi at nagtawa.
"Sure na sure."
Makalipas ang kalahating oras ay nagpaalam si Hilda. May gagawin lang muna siya sa stage.
Pinanood ko siya. Kakaiba talaga si Hilda. Perpekto ang mga ginagawa. Hindi nga kataka-taka na ma-ging star dancer.
Bumalik siya sa VIP room.
"Puwede na tayong umalis mamaya-maya," sabi niya.
Aywan ko kung bakit tila kinabahan ako. Pero kailangang matuloy ang plano. Kailangang matesting ang performance ni "Sir Peter". Tukso namang naaalala ko ang ginagawa ng aking asawang si Rina at ng tibo na si Joan. Iyon ang nakapagbigay ng lakas at kaunting tapang para matu-pad ang pangako ko kay Hilda.
"Halika na," sabi ko.
Masayang-masaya si Hilda nang lumabas kami sa VIP room. Nakabuntot sa amin ang waiter. Malaki ang ibinigay kong tip sa waiter.
(Itutuloy)