Ebo at Adan (ika-30 na labas)

(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

KAKAUNTI pa ang mga tao sa paborito kong club. Marami pang bakanteng lamesa. At hindi ako nagtataka sapagkat malayo pa ang araw ng suweldo. Sa akin ay hindi naman problema ang pera. Gaya ng nasabi ko na, malaki ang aking suweldo at marami rin kaming namanang ari-arian ni Rina. Kahit kailan ay hindi ko pinroblema ang pera.

Tinungo ko ang nasa sulok na mesa na may apat na silya. Hindi pa ako nakauupo ay lumapit na agad sa akin ang waiter na nagsilbi sa akin kahapon. Ang waiter ding iyon ang nag-asikaso sa akin sa VIP room. Malaking tip ang ibinigay ko sa kanya kaya marahil nang makita ako ay nagtatakbo na sa paglapit sa akin.

"Kumusta Sir?" tanong na nakangiti.

"Okey lang. Si Hilda andiyan ba ngayon?"

"Andiyan Sir."

"May usapan na kami."

"Tawagin ko Sir."

"Oo. Pero sa VIP uli ako. Me bakante pa ba?"

"Marami Sir. Kaunti nga ang customer ngayon."

"Sige tawagin mo na si Hilda. Akong bahala sa’yo bata..."

"Sir dalahin muna kita sa VIP."

"Sige."

Tumayo ako at sumunod sa waiter.

Binuksan ang VIP room. Pati ilaw ay binuhay.

"Sandali lang Sir ha?"

"Dalhan mo kaya muna ako ng dalawang beer at hot chili chicken wings..."

"Right away Sir."

BInuksan ko ang TV. Ayaw pumasok sa utak ko ang pelikualng ipinalalabas. Ang isip ko ay tungkol pa rin sa nakita ko sa guest room namin – si Rina at si Joan sa isang malaswang posisyon. Nakadama na naman ako ng awa sa sarili. Kung wala akong deperensiya, sana ay ako ang kasama ni Rina.

Nagulat ako nang dumating ang waiter. Dala ang dalawang boteng beer at pulutan.

"Sir sandali at tatawagin ko si Hilda."

"Siyota ko na ‘yon," sabi kong may pagmamayabang.

"Ang bilis mo Sir."

"Hindi ba tagarito ang siyota niya?"

"Sir yung bouncer sa labas ang siyota niya," sabi at napangisi.

"Totoo?"

"Joke lang Sir."

Lumabas ang waiter.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na si Hilda.

Tumayo ako at hinalikan siya sa labi.

"Di ba magsiyota na tayo?" tanong ko.

"Iyon din ang alam ko."

"Lalabas tayo ngayon, puwede ka?"

"Puwedeng-puwede!

(Itutuloy)

Show comments