Ebo at Adan (ika-25 na labas)
August 12, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
"BAKA magkagalit kayo ng siyota mo dahil sa akin. Ayaw kong maging dahilan ng inyong pagkakagalit..."
"Hindi ko naman siya mahal."
"Talaga?"
"Bakit naman?"
"Basta."
Nararamdaman kong unti-unti nang pumapasok sa bitag ko si Hilda o Wilda. Malaki ang kutob kong magiging akin siya ngayong gabi.
"Mahirap din pala ang maging matan-dang binata," sabi ko at inayos ang pagkakaupo. Tiningnan ko siya nang mata sa mata. Maganda naman pala ang mga mata niya.
"Hindi ka pa naman matanda Sir..." sabi at ibinaba ang tingin.
"Iyon kasi ang tingin ko sa sarili ko, Wilda."
"Masyado mong kinaaawaan ang sarili mo. Kung ako ikaw, maghahanap muli ako ng ibang babaing mamahalin," sabing may pagkaseryoso ni Hilda o Wilda.
"Sa palagay mo ba may gugusto pa sa akin?"
"Siyempre naman."
"Ihanap mo kaya ako, Wilda."
"Hilda po Sir, hindi Wilda."
"Ay siya nga pala. Hindi ko kasi makalimutan ang dati kong nobya na nalunod..."
"Bakit maghahanap ka pa e nasa paligid-ligid lang naman ang hinahanap mo..."
"Talaga? Nasaan?"
"Ang korni mo naman, Sir."
"Sino nga?"
"Ako."
Siyut sa bitag ang tinawag kong wild na babae. At palagay ko, maaari niyang magamot ang sakit ko.
"Sure ka na hindi kayo magbabangay ng siyota mo?"
"Hindi ko nga siya mahal e."
"Kung ilabas kita ngayon, puwede ka?"
"Itatanong pa ba yan."
Parang nagkakaroon na ng buhay ang lulugu-lugong si "Sir Peter". Naalala ko ang mga ginawa ni Hilda sa entablado kanina. Wild talaga.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended