Ebo at Adan (ika-23 na labas)
August 10, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
"GOOD evening, sir!" sabi ng babaing binansagan kong si Wilda.
"Good evening. Halika."
Mas lalo pala siyang makinis sa malapitan. At tama ang sipat ko na hindi siya gaanong maganda. Pero hanep sa kurbada ang katawan.
"Maupo ka."
Naupo. Nasapol ko ng tingin ang makinis na hita nang malilis ang suot na gown. Hindi gaya kahapon, medyo makapal at hindi ko maaninag kung mayroon siyang panloob. Kahapon ay napakanipis ng kanyang inirampang gown at madaling makita kung wala o meron siyang panloob.
"Ako si Dan. Ikaw?"
"Hilda."
Muntik akong mabilaukan. Katunog pa ang pangalan niya nang ibinan-sag ko. Pero pinilit kong ngumiti.
"Bakit ka nakangiti Sir?" tanong ni Hilda.
"Kasiy nang mapanood kita kahapon, ang lihim kong itinawag sa iyo ay Wilda."
"Bakit Wilda Sir?"
Hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit ganoon ang itinawag ko sa kanya. Baka ma-offend. Kahit na isang dancer o GRO siya, mayroon ding damdamin. Nag-imbento na lamang ako.
"May naging siyota kasi akong Wilda ang pangalan. Kamukha mo rin siya."
Napa-ah si Hilda.
Dinagdagan ko pa para maging kapani-paniwala.
"Namatay siya. Dapat ay ikakasal na kami."
"Anong ikinamatay Sir?"
"Nalunod."
Napa-ah uli si Hilda.
"Iyan ang dahilan kaya hanggang ngayon ay binata pa ako. Hindi na ako nag-asawa pa..."
Nakita kong nagseryoso si Hilda. Nakuha ko ang kanyang simpatya.
"Kaya nang makita kita kahapon, parang nabuhay ang dati kong pag-ibig..."
Ngumiti si Hilda. Inayos ang pagkakaupo. Bahagyang itinago ang hita sa nalilis na gown.
"Ilang taon ka na Sir?"
"Hulaan mo?"
"Mga 40 plus..."
"Tama. Matanda na ako ano?"
"Sir kalabaw lang ang tumatanda."
"Salamat. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo, Wilda."
"Hilda po Sir.
"Puwedeng Wilda na lang ang itawag ko sa iyo?"
Ngumiti si Hilda.
"Sige para iyon lang."
"Maganda naman ang Wilda di ba?"
"Kaya lang baka sumanib sa akin ang kaluluwa nang nalunod mong siyota."
"Hindi naman siguro."
"Mahal na mahal mo ba siya Sir?"
"Super. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanya ay hindi ko nahipo ang dulo ng daliri. Iningatan ko..."
Napahagikgik si Hilda. Parang ayaw maniwala sa sinabi ko.
"Puwede ba iyon na hindi mo man lang nahipo ang daliri."
"Totoo. Sobrang mahal ko nga siya."
"Di ang ibig mo ring sabihin hindi mo siya nagalaw?"
"Tama ka Wilda."
"Ang bait mo naman. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na hindi nagalaw ang siyota."
"Iba talaga ako, Wilda?"
Maya-maya ay nagpaalam sa akin si Hilda. Rarampa lang daw muna siya at babalik pagkatapos ng kanyang number.
"Puwede ba Sir?"
"Basta babalik ka rito."
"Opo. Babalik ako."
"Panonoorin kita sa gagawin mo."
"Opo Sir."
Lumabas na si Hilda. Uminom ako ng beer at saka namulutan.
Lumapit ako sa salaming dingding at hinawi ang kurtina. Mula sa aking kinaroroonan ay kitang- kita ko ang entablado.
Nakita ko ang pagrampa ng mga modelo. Isa roon si Hilda.
Maya-maya pay namatay ang ilaw sa stage. At pagkaraan ay nabuhay. Ibat ibang kulay. Karamihan sa mga modelo ay wala nang damit. Si Hilda o si Wilda ay balot na balot sa gown. Nagsasayaw sila. Painda-indayog lang.
Maya-maya pa si Hilda na lamang ang nasa stage.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended