Ebo at Adan (ika-20 na labas)

(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

BINILANG ko ang mga model na nasa entablado. Siyam lahat. Karamihan sa mga model ay naka-two piece na at ang iba naman – mga tatlo sa kanila ang naka-gown na masyadong manipis at halos aninag ang kabuuan. Nasa unahan ang model na sa tingin ko ay ‘‘wild’’. Naka-gown siya. Sinipat kong mabuti ang mukha at katawan. Hindi naman gaanong kagandahan ang mukha pero maganda at makinis ang kutis. Aywan ko kung dahil sa tama ng ilaw na iba’t ibang kulay kaya magan- da ang kanyang kutis. Baka dinadaya lamang ang tingin ko. Sinipat ko ang suot niyang gown. Mani- pis na manipis. Wala ngang panloob ang ‘‘wild’’.

‘‘Maganda pala rito, Dan,’’ sabi ni Nick. ‘‘Matagal ka na bang nagpupunta rito?’’

‘‘Ikalawang beses pa lang ’to.’’

‘‘Mukhang mga palaban ang mga model dito, Dan."

‘‘Parang nga."

Naubos namin ang tigalawang beer. Sinenyasan ko ang babaing tagasilbi.

‘‘Dalhan mo pa kami ng dalawa!’’

‘‘Pulutan, Sir?’’

‘‘Isang crispy pata.’’

‘‘Okey Sir.’’

Namatay ang ilaw sa entablado.

‘‘Magsisimula na siguro ang happy hour ano, Dan?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Sana doon tayo sa may malapit sa stage.’’

‘‘Okey na rito.’’

Biglang nagliwanag ang entablado. Kasabay ang music na malandi. Naglabasan muli ang siyam. Ang ilan ay naka-two piece pa pero ang mga nakasuot ng gown kanina ay pawang ‘‘talop’’ na. Maliban sa nakagown na una kong napagmasdan kanina. Hindi pa siya nagtatalop.

‘‘Maganda rito, Dan. Okey na okey.’’

‘‘Inom ka pa, Nick.’’

Sinalinan ko ang baso niya. Tinungga. Pagkatapos mainom ay namulutan.

Namatay uli ang ilaw. Pagkaraan ng ilang sandali ay nabuhay. At sa pagtataka ko ang babaing napagmasdan ko kanina ang tanging nasa entablado at naka-gown pa rin.

Pumailanlang ang isang awitin. Doon na kumilos ang babae para magsayaw. Sa tingin ko, siya ang star sa KTV club na iyon.

Hanggang sa unti-unti niyang inaalis ang suot na gown.

(Itutuloy)

Show comments