Ebo at Adan (ika-19 na labas)
August 6, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
PERO kung kailan ko kailangan ang siyota ay wala naman akong makita. Kung gaano ako kabilis makahanap ng babae noon, ay ganito naman kahirap ngayon. Para bang pinagtampuhan ako ng panahon. Lalo na akong naawa sa sarili. Lumipas na nga yata ang karisma ko sa tsikas at etot wala nang maibuga si "Sir Peter". Nagsilbing adorno na lamang ang dating matikas na ibon. Putris na buhay ito!
Para hindi ko maisip ang mga pagbabagong nangyari sa aking buhay, ang pag-inom ng alak ang napagbalingan ko. Ako na mismo ang nagyayaya sa aking kasamahan na maghapi-hapi.
"Nagbibiro ka ba? Hindi ka naman umiinom e," tanong ng kasamahan kong si Nick, isang engineer din.
"Hindi ako nagbibiro. Tara tigdalawang bote tayo."
"Paano yung mga tsikas mo?"
Hindi pa alam ni Nick na wala na akong mga siyota.
"Hayaan mo na ang ang tsiks. Problema lang sa akin ang mga yan."
"Langya. Pagkatapos mong pagsawaan e sasabihin mong problema."
"Saka muna ang tsiks."
"E di ibigay mo muna sa akin kung nagsasawa ka na..."
"Ayoko. Baka hindi masiyahan sayo e ako pa ang sisihin," sabi ko sabay hagikgik.
"Talaga bang iinom tayo, Dan?" tanong ni Nick na ayaw pa ring maniwala.
"Sabi ng oo."
"Saan?"
"Doon sa me sumasayaw."
"Para pampatigas?"
Lihim akong napaaray sa sinabi niya. Tinamaan ako.
"Oo. Pampadagdag ng gobil..."
"Anong gobil?"
"Libog."
Nagtawa si Nick.
Paglabas sa opisina deretso na kami sa isang KTV bar.
"Wow okey dito a. Batambata ang mga model."
"Baka dahil sa ilaw lang," sabi ko.
Umorder kami ng beer. Dalawa muna. Sinimsim namin habang pumaparada ang mga models.
"Ang gaganda Dan. Mga estudyante pa siguro yan."
Hindi ako sumagot. Nakatingin ako sa isang model na sa tingin ko ay wala nang suot na panloob. Marahil siya ang pinaka-wild sa entablado. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended