Ebo at Adan (Ika-9 na labas)
July 27, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
KAHIT na nagkaseryosohan kami ni Malou, ni minsan ay hindi ako pumalya ng uwi sa gabi sa piling ng orihinal na babae sa aking buhay. Kahit na nagkakasarapan, hindi ko nalilimutan na mayroong isang babaing naghihintay sa akin. At alam naman iyon ni Malou. Iyon ang isang gusto ko sa kanya, alam niya kung saan siya nakalagay. Alam niya ang kanyang limitasyon.
"Gusto ko pa pero kailangang umuwi na," sabi ko kay Malou minsang maglaro kami. "Meron pa namang bukas."
"Hindi ba talaga nakakahalata ang asawa mo, Dan?"
"Hindi."
"Baka naman akala mo lang iyon."
"Hindi talaga."
"Bilib naman ako sa kanya."
"Sa akin ka bumilib dapat dahil ako ang nag-iingat."
"Siguro kung ako lolokohin ng asawa, madali akong makakahalata," sabi ni Malou at nilaro ng daliri ang lips ko.
"Malay mo kung mahusay ding magtago ang asawa mo noon."
"Hindi naman siya nagloko kundi walang gulugod. Laging nakaasa sa magulang. Ayaw niyang tumindig sa sariling mga paa."
"Malakas ka kasing babae kaya ayaw mo sa mga mahihina ano."
"Sana nga ay ikaw ang naging asawa ko siguro maligaya ako. Pero okey na ring number two..."
Araw-araw ay nagkikita at naglalaro kami ni Malou. Walang sawa.
Umabot ng isang taon ang aming relasyon. Hanggang sa isang pagkikita namin ay may sinabi. Pero bago sinabi ay nakipaglaro muna sa akin. Nang sasabihin na ang tungkol doon ay umiyak. Ayaw na raw niya. Hindi na niya kaya.
"Bakit?" tanong ko.
"Nakita tayo ng anak kong babae minsan. Hindi sinabi kung saan niya tayo nakita pero sigurado siyang may relasyon tayo. Umiyak siya nang umiyak. Bakit daw ganoon? Ang tingin daw niya sa akin ay mabait na ina pero ano raw ang nakita niyang iyon..."
Umiyak pa si Malou. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Ngayong nakikipaghiwalay na e ako naman ang umaayaw. Pero sa dakong huli wala na akong nagawa. Hanggang dito na lamang siguro ang relasyon namin.
"Ayaw kong masira ang relasyon sa aking anak, Dan. At saka napag-isip-isip ko rin, wala namang pupuntahan to e."
Nagkahiwalay kami ni Malou. Masakit pero hindi ko ipinahalata.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended