Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-93 na labas)
July 12, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
HINDI nasabi ni Inay sa akin ang bahaging iyon na binalak pala akong ipalaglag.
"Pero hindi pumayag si Gracia sa gusto kong mangyari. Bubuhayin daw niya ang bata... sabi ni Mang Frank."
Mabuting ina talaga si Inay. Ilang beses ko nang nasubukan. Pati pagtatanggol sa kapahamakan, napatunayan ko na.
"Hindi nga natuloy ang balak."
"Nailabas din ang bata?"
"Oo. Nang ipanganak ang bata ay wala ako. Binigyan ko lamang ng pambayad sa ospital si Gracia."
Tama ang kuwento ni Inay, nang ipanganak ako sa ospital ay wala ang aking ama.
"Pero binibisita ko rin naman si Gracia pati ang bata."
"Anong itsura ng bata?"
"Maganda."
At aywan ko kung bakit siya napatingin sa akin. Hindi kaya naghihinala?
Iniiwas ko ang tingin sa kanya at bumaling sa ilang taong kumakain. Gusto ko nang sabihin sa taong kaharap ko na ako ang batang iniwan niya. Pero nagpigil pa rin ako.
"Gaano kayo katagal nagsama ng Gracia na iyon Mang Frank?"
"Mga tatlo siguro. Pero hindi naman actually pagsasama. Paminsan-minsan ko lang dalawin. Binibigyan ng pera. Ganoon lang.."
"Hanggang sa maghiwalay na kayo?"
"Oo. Ako na ang nagsabi na hindi ko na siya mapupuntahan dahil..."
"Dahil ano Mang Frank?"
"Patungo na kami sa US ng pamilya ko."
"Anong nangyari?"
"Kinalmot ako ni Gracia. Sinuntok. Sa galit ko ay binunot ko ang aking baril. Nasaktan ako sa kalmot sa aking leeg. Nagdugo pa nga..."
"Iyon ang huli ninyong pagkikita ni Gracia?"
"Oo. Mula noon wala na akong nabalitaan sa kanya at ganoon din sa aming anak..."
Gusto ko nang bumigay.
"At ngayon nga gusto kong makita si Gracia at ang aming anak...."
May luhang umaagos sa pisngi ko.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am