^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-92 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

"NASA third high school pa si Gracia nang ligawan ko. Maganda siya at sexy. Ako noon ay kumukuha ng engineering…" sabi pa ni Mang Frank.

"Paano kayo nagkakilala?"

"Madalas ako sa school nila. Mabarkada kasi ako noong kabataan ko. Medyo tumitikim pa ako ng marijuana noon. Uso noon ang jeprox. Siguro di mo alam ang jeprox. Mahaba ang buhok ko noon…"

"Niligawan mo po si Gracia?"

"Parang ganoon na nga. Pero ang alam ko, malakas din ang tama niya sa akin."

"Madali n’yong nakuha si Gracia?"

"Oo. Palibhasa’y may kotse ako kaya madali kong nadala sa motel…"

"Kilala mo po ang mga magulang ni Gracia?"

Tumingin sa akin si Mang Frank. Tila nagdududa kung bakit ganoon ang mga tanong ko.

"Kilala mo ang mga magulang niya, Mang Frank?"

"Oo. Kapag nagpupunta ako sa bahay nila ay para akong prinsipe na estimang-estima ng mga magulang ni Gracia."

May gusto nang sumabog sa dibdib ko pero pinipigil ko. Malakas ang kutob ko, ang lalaking nasa harapan ko ang aking ama. Mahirap paniwalaan pero ang mga ikinukuwento niya ay narinig ko na. Hindi ako maaaring magkamali.

"Alam ko kung bakit gustung-gusto ako ng mga magulang ni Gracia, dahil mayaman ako…"

Tumigil sa pagsasalita si Mang Frank. Humigop ng kape. Sinabihan ako na baka may gusto akong kainin o inumin. Tumanggi ako. Okey na sa akin ang kape lang.

"Hanggang sa ang madalas kong pagdadala sa motel kay Gracia ay nagbunga. Nabuntis ko siya…"

Tumigil sa pagsasalita. Ako ay wala na halos masabi. Paano’y alam ko na ang kuwentong iyon.

"Takot na takot si Gracia. Sabi ko’y huwag siyang matakot at may paraan pa. Maliit pa naman ang nasa tiyan niya. Kaya pang dukutin iyon…"

Gimbal ako sa narinig. (Itutuloy)

AKO

ALAM

BATAY

GRACIA

KILALA

MANG FRANK

OO

PAANO

TUMIGIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with