^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-90 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

HABANG tumatakbo ang kotse ay sa labas ako nakatingin. Hindi ko na alam kung anong kalsada ang dinadaanan namin. Madilim ang aninaw ko sa labas sapagkat tinted ang salamin ng kotse. Banayad ang pagpapatakbo ng drayber na natandaan kong si Mang Ambo ang pangalan.

Ano kaya ang sasabihin sa akin ng lalaking ito, na nagpakilalang si Mang Frank, tanong ko sa sarili. Mahalaga raw sabi niya kanina. May hinahanap daw siya sa Black Roses. Kung hindi mahalaga ay hindi niya ako pag-aaksayahan ng pagod para sundan nang sundan sa pinagtatrabahuhan ko. Aywan ko naman kung bakit kanina, nang makiusap siya na mag-usap kami ay agad akong napapayag. Siguro nga dahil sa nakita ko naman sa kanyang kaanyuan na mabuti naman siyang tao. Ang pagkatakot kong nadama kanina ay saglit lamang at agad ding nawala.

Paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Mang Frank. Pero iniingatan kong mahuli niya ang pagtingin ko. Tipong mayaman si Mang Frank. Sa hula ko mahigit siyang 50 anyos.

"Nawala na ang kaba mo Iha?"

Nagulat ako sa tanong niya. Nakatingin siya sa akin. Nakangiti.

"Opo."

"Matagal ka na sa department store?"

"Mga dalawang buwan po."

"Kaya pala kailan lamang kita nakita roon."

Natahimik siya sa pagtatanong. Ako naman ay nanatiling nag-iisip. Sinulyapan ko ang relos, alas diyes na. Tiyak na naghihintay na si Donna sa akin. Mga 9:30 kasi ako dumarating sa bahay. Baka nag-aalala na si Donna. Mula nang sabihin ko sa kanyang may lalaking tingin nang tingin sa akin ay madalas niya akong paalalahanan na mag-ingat at baka "ba-taan" o "kasosyo" ni Mr. Lee. Wala raw imposible ngayon sa mga balak maghiganti.

Nahalata yata ni Mang Frank ang pagsulyap ko sa relos kaya sinabi sa akin na sandali lamang kami sa coffee shop. Ipahahatid daw niya ako sa bahay.

Hanggang sa tumigil sa isang sikat na coffee shop ang kotse.

Bumaba si Mang Frank at sumunod ako. Pumasok kami sa coffee shop. Pinili ni Mang Frank ang nasa sulok. Hindi pa kami nakauupo ay lumapit na ang isang tagasilbing babae.

Umorder si Mang Frank ng kape at cinnamon rolls. Umalis ang tagasilbi pagkatapos makuha ang order.

"Nang una kitang makita sa department store, hindi ako makasiguro kung ikaw nga ang nakita ko sa Black Roses..." sabi at tumingin sa akin. "Kaya sumunod na araw ay pinagmasdan muli kita. Baka nagkakamali lamang ako."

"Ano po bang mahalaga ang kailangan mo sa akin."

"May hinahanap akong babae sa Black Roses. Pero wala na raw doon. Nagbakasakali akong magpabalik-balik doon pero wala na talaga."

"Dancer po ba siya sa Black Roses?"

"Oo. Maganda siya. May nakapagsabi sa akin na sa Black Roses na raw siya nagsasayaw."

Naisip ko baka si Ate Au ang hinahanap ni Mang Frank.

"Nagulat na lamang ako nang magbalik sa Black Roses sapagkat sarado na. Ni-raid pala ito at namatay ang may-ari dahil lumaban daw sa pulis..."

Napatango na lamang ako.

"Nanghinayang ako sapagkat hindi ko na alam kung paano makikita ang babaing iyon..."

"Hindi po ba Au ang pangalan ng babae?"

Nag-isip si Mang Frank.

(Itutuloy)

AKIN

AKO

ANO

ATE AU

BLACK ROSES

FRANK

MANG

MANG FRANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with