Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-86 na labas)
July 5, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
MAAARING ang lalaking iyon ay isa nga sa mga kustomer ng Black Roses at namukhaan ako. At kaya pabalik-balik ay sinisiguro kung ako nga ang kanyang nakita. Maaaring tama si Donna.
"Ano sa palagay mo Ate, may kursunada sayo?" tanong ni Donna na parang siya ang kinakabahan.
"Wala akong maramdamang ganoon ang gusto niya kaya pabalik-balik."
"E ano kaya?"
"Parang mayroon siyang gustong malaman sa akin."
"Hindi kaya kasosyo siya ng bossing mo "
"Ni Mr. Lee?"
"Oo. At kaya tingin nang tingin sayo ay tinitiyak kung ikaw ang modelong kasangkot kung bakit bumagsak ang Black Roses."
"E ano pa naman ang hahangarin niya sa akin e patay na nga si Mr. Lee."
"Siyempre may mga kasosyo siya."
"Hindi ganoon ang kutob ko Donna. May malalim na dahilan."
"Baka naman kapatid o kamag-anak ni Mr. Lee at gustong maghiganti sa mga taong naging dahilan ng pagkamatay "
"Ang lawak naman ng imahinasyon mo Donna. Siguro puwede kang manunulat."
"Posibleng mangyari ang mga naiisip ko Ate. Ngayong panahong ito ang anumang imposible ay maaaring maging posible lalo pa at malaking tao ang kalaban."
May katwiran si Donna.
"Magdarasal na lang ako para mailigtas sa kapahamakan."
"Ganoon na nga lang Ate ang dapat gawin."
"Huwag mo nang ikukuwento kay Inay ang tungkol sa lalaki, Donna."
Tumango si Donna.
Nang araw na iyon na pumasok ako sa department store ay naging malikot ang aking mga mata. Tinitiyak ko kung naroon na naman ang lalaki.
Pero hindi ko siya nakita ng araw na iyon.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am