Darang Sa Baga (Ika-206)
April 7, 2006 | 12:00am
PERO nilambutsing na naman ako ni Sancho. At aywan ko kung bakit kapag nalambutsing na niya ako, ay agad na lumalambot ang damdamin ko. Bumibigay na kaagad. Aywan ko ba kung anong klaseng bertud meron ang lalaking ito na hindi ko makayang sawatain.
Hindi na ako makapiyok kapag humihingi ng pera.
Binigyan ko ng pera si Sancho ilang araw bago dumating si Ramon. Mahigpit ang bilin ko na huwag magpapakita sa bahay. Walang dapat mahalata si Ramon.
"Bale ilang araw tayong hindi magkikita?"
"Forty five days."
"Ano?"
"Ganoon kahaba ang bakasyon niya."
"Paano mo ako mabibigyan ng pera?"
"Akong bahala. Akong gagawa ng paraan. Basta huwag kang pupunta rito."
Nagkasundo kami.
Isang araw bago dumating si Ramon ay mahigpit ko na-mang kinausap si Lani. Sinuhulan ko muna saka binola. Sabi koy marami pa akong ibibigay sa kanya. Kagat na kagat naman sa mga sinabi ko.
Dumating si Ramon kinabukasan.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended