^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-192 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

ALAS NUWEBE ng umaga dumating ang perang padala ni Ramon. Malaki ang padala niya sapagkat sinabi kong malaki na ang gastos naming mag-ina. Lumakas sa pag-dede ang aming bunso at masyadong mahal na ang gatas. Malakas na rin namang kumain ang aming panganay. Marami rin akong binabayarang bills, telepono, kuryente, tubig at cable.

"Hayaan mo at mag-oovertime ako nang mag-oovertime para malaki ang maipadala ko," iyon ang sinabi ni Ramon nang huli kaming magkausap sa phone. Tumawag siya noong nakaraang linggo.

Malaki na naman ang buka ng pakpak ko sapagkat marami na namang pera. Habang binibilang ko ang perang padala ay nakita kong nakatingin si Lani. Naalala ko na hindi ko nga pala naibibigay ang suweldo niya noong nakaraang buwan.

"Lani eto muna ang kalahati ng suweldo mo. Pagdating sa sunod na buwan ng pera ko, buo na. Isang buwan at kalahati ang babayaran ko sa’yo. Marami kasi akong babayaran ngayon."

Inabot ni Lani ang kalahati ng suweldo niya. Matamlay. Para bang hindi naniniwala sa sinabi kong marami akong babayarang bills.

Naligo ako. Nagmanicure pagkatapos. Hindi pa ako natatapos sa pagmamanicure ay may kumatok na sa pinto. Si Sancho.

"Ang aga mo naman," sabi ko.

"Mabuti na ang maaga para makarami…" ngiting aso ang nakita ko.

"Magcasino tayo."

"Ikaw ang bahala."

"Gusto mo kumain muna tayo sa bagong bukas na restawran sa Greenhills."

"Ikaw ang bahala, donya."

"Magbibihis lang ako."

"Yung kulang sa hinihiram ko…"

"Hindi ko nalilimutan ‘yun. Mamaya ko na ibibigay pag nasa taxi na tayo."

Napangisi si Sancho. Kinindatan ako at tuksong inilabas pa ang dila. (Itutuloy)

vuukle comment

GREENHILLS

HABANG

HAYAAN

IKAW

LANI

MALAKI

MANDALUYONG CITY

MARAMI

SI SANCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with