Darang sa Baga (Ika-189 na labas)
March 20, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
UMALIS si Sancho at makaraan ang isang oras ay dumating na si Lani at ang aking anak galing sa panonood ng sine.
Ganoon nang ganoon ang ginagawa namin ni Sancho kapag gusto naming magtalik sa bahay.
"Hindi na natin kailangang magtungo pa sa telmo para la-mang "mag-ano" di ba?"
"Anong telmo?"
"Ang hina nito, telmo binaligtad na motel. Hinampas ko sa braso si Sancho. Napapitlag siya.
Patuloy din ang ginagawa naming pagsusugal. Naging madalas kami sa casino. Walang patumangga lalo na kapag nagpadala ng perang allotment ang asawa kong si Ramon. At napapansin ko, nakadepende na sa akin si Sacho. Ako na ang gumagastos. Humihingi na sa akin ng pera.
"Pautangin mo muna ako ng isang libo at may babayaran lang ako. Ibibigay ko rin kapag nagpadala ang asawa ko."
Ako namang si gaga ay bigay agad ng isang libo. Okey lang.
Pero hindi ako binabayaran ni Sancho. At hindi ko naman siya masingil. At siguro para malimutan ko ang utang ay "pinapatay" naman ako sa romansa.
Lalong naging parang hayop si Sancho na naghahatid sa akin sa kabila pa ng mga ulap. Ibang klaseng hayop ang lalaking ito na nalilimutan ko ang lahat. Pati pagkain ng aking mga anak ay nalilimutan ko dahil sa pagkahaling sa hayop na si Sancho.
"Nagpadala na ba ang mister mo ng pera?" tanong niya sa akin minsan isang umagang magtungo sa bahay.
"Hindi pa. Baka bukas o makalawa."
"Pahiramin mo ako ng mga five thou ha?"
"Bakit?"
"Basta pahiramin mo ako."
Napatango ako nang simulan niya halikan ang aking batok.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 21, 2024 - 12:00am