INIHATID ako ni Sancho nang mag-aalas-sais ng umaga. Sabi koy huwag nang sumama hanggang sa bahay pero mapilit. Hinayaan ko na.
Tulog pa ang dalawa kong anak nang dumating kami pero si Lani ay naglilinis na ng bahay. Maagang gumising si Lani at hindi na kailangang utusan.
"May mainit kang tubig Lani?" tanong ko.
"Meron Ate."
"Maglagay ka sa tasa. Dalawa."
"Opo Ate."
Nang makapaglagay sa tasa ay kinuha ko at dinala sa salas. Naroon si Sancho at nakaupo sa sopa.
Kinuha ko ang lalagyan ng kape at asukal. Ipinagtimpla ko si Sancho.
"Magkape ka muna."
Dinampot nito ang tasa.
"Sarap ah," sabi pagkatapos humigop.
"Pagkatapos mong inumin yan sibat ka na Sancho."
"Bakit?"
"Baka makita ka ng mga anak ko."
"E ano naman?"
"Basta sibat ka na pagkatapos."
Tumango.
(Itutuloy)