^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-176 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

MASYADO na akong nalulong sa sugal. Hindi na ako makabitaw sa bisyo. At bukod sa pagsusugal natuto rin akong manigarilyo. May pagkakataon na madaling-araw na akong nakauuwi sa bahay. Natutulog na ang anak kong panganay at pati na ang maid kong si Lani. Si Lani ay 16 years old.

Ang pagkalulong ko sa sugal ay lihim na lihim naman kay Ramon. Sinabi ko kay Lani na huwag niyang sasabihin na nakikipagsugal ako. Malapit na noong magbakasyon si Ramon mula sa Saudi. Sabi ko pa, huwag sasabihin na madaling-araw na ako kung umuwi. Binola-bola ko si Lani. Sabi ko, bibigyan ko siya ng pampanood ng sine at pambili ng damit. Tuwang-tuwa naman si Lani.

Nang mga panahong iyon ay wala na kaming komunikasyon ni Maricel. Wala na kaming pakialaman. Maski naman noon pa ay malamig na kami sa isa’t isa. Aywan ko kung paano nagsimula. Basta nagtalo kami noong bago kami ikasal ni Ramon. Parang kontra siya sa ginawa kong pagpatol na naman sa lalaki. Nang mamatay si Inay ay tuluyan na kaming hindi nagkita.

Hanggang sa mabalitaan ko na papunta na silang mag-anak sa Canada. Wala akong paki.

Makalipas ang anim na buwan ay dumating ang asawa kong si Ramon. Habang nasa sasakyan at susunduin namin sa airport ay mahigpit ang bilin ko kay Lani na walang sasabihin tungkol sa aking bisyo. Nangako si Lani.

Siyempre pa ay hindi ako umaalis ng bahay habang nagbabakasyon si Ramon. Bakasyon din ako sa pagsusugal. Nang matapos ang bakasyon niya at nakabalik na sa Riyadh saka ako bumalik sa aking "school" – gambling school.

Makalipas ang dalawang buwan, nakaramdam ako ng pagkahilo at madalas na nagduduwal.

Nagpa-check-up ako. Buntis pala ako! Lintik na Ramon iyon at inasembolan pa ako bago umalis. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYWAN

BAKASYON

LANI

MAKALIPAS

MANDALUYONG CITY

NANG

SABI

SI LANI

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with