^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-175 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

ATAKE sa puso ang ikinamatay ni Inay. Inaalagaan niya ang aking anak ng atakehin. Hindi ko alam na maysakit siya sa puso. Ang masaklap ay nasa kapitbahay ako at nagsusugal nang atakehin siya. At kung hindi pa sa isang kapitbahay na manghihiram ng malaking kaldero ay hindi ko malalaman na may masama nang nangyayari. Narinig umano ng aming kapitbahay ang walang tigil na pag-iyak ng aking anak. Iyak na para bang iniwan ng nag-aalaga. Mabilis niyang tiningnan kung bakit walang tigil sa pag-iyak ang aking anak. Nagulat siya nang makitang nakabulagta si Inay na para bang naupos na kandila sa ayos. Nasa di kalayuan ang aking anak. Nagsisigaw na ang kapitbahay hanggang sa makarating sa akin. Nasa kasarapan ang pagsusugal ko nang makarating sa akin ang balita.

Isinugod namin sa ospital si Inay subalit patay na ito. Atake nga ang dahilan ayon sa doktor. Traidor na sakit.

Tinawagan ko si Maricel at sinabi ang nangyari. Mabilis na nakatakbo sa ospital. Hindi pa nakikita ang bangkay ni Inay ay sabog na ang luha at sipon. Nang makita ang bangkay sa morgue ay lalo nang nagpalahaw sa iyak. Ewan ko kung bakit hindi ako makaiyak. Siguro’y dahil sa marami na rin akong iniyakan sa nakaraan – mga karanasang napagdaanan.

Tinawagan ko si Ramon sa Riyadh at ibinalita ang pangyayari.

"Hindi ako makakauwi, Nena," sabi ni Ramon na tila nagpapaumanhin. "Kulang kami sa tao dahil maraming nagresign…"

"Okey lang."

"Magpapadala na lang ako ng pera para panggastos habang pinaglalamayan si Inay..."

"Sige."

Inilibing si Inay makaraan ang apat na araw na burol.

Mula nang mawala si Inay ay naging malungkot na sa bahay. Nawala ang sigla. Gustuhin ko mang luma- bas ng bahay ay hindi puwede. Hindi man lamang ako makapaglibang. Walang mag-aalaga sa aking anak. Kinakati na ang mga kamay ko para magsugal

Hiniling ko kay Ramon na kumuha kami ng katulong. Sabi ko’y nahihirapan na ako sa pag-aalaga ng aming anak, paglalaba, pagluluto at paglilinis ng bahay. Pero ang totoo, hindi ako makapag-sugal.

Pumayag si Ramon na kumuha kami ng katulong. Tuwang-tuwa ako sapagkat makakalabas na ako ng bahay. Maaari na akong makapagsugal.

(Itutuloy)

AKO

ANAK

INAY

MABILIS

MANDALUYONG CITY

NANG

NENA

TINAWAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with