Darang sa Baga (165)
February 24, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
ANG Food Basket na sinasabi ni Ramon ay may 10 minuto lamang lakarin mula sa bahay ng mga amo ko. Ang Food Basket ay mini department store/grocery. Doon ako inuutusan ng aking mga moder kapag naubusan ng supply.
Naisahan yata ako ng hayop na si Ramon. Siniguro muna ang tirahan ko saka tumawag. Sanay na nga sa Riyadh ang hayop. Kahit saan lugar ay maaring saliksikin. Nag-absent pa siguro ang walanghiya para lamang makarating.
Pero bakit hindi ako nagagalit?
Habang hinihintay ko si Ramon ay kung anu-ano ang aking naisip. Baka madarang na naman ako sa baga. Baka mahulog na naman sa lalaki. Ano ba itong kapalaran ko?
Minabuti kong pumunta na sa may gate para abangan si Ramon. Ang ikinatatakot ko ay baka biglang dumating ang mga amo ko. Kung minsan, biglang umuuwi ang amo kong lalaki at may kinukuhang papeles.
Ilang minuto ang nakaraan at nakarinig ako ng doorbell.
Binuksan ko ang gate.
Si Ramon nga!
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended