Darang sa Baga (Ika-162 na labas)
February 21, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City.)
MATAGAL na sa Riyadh si Ramon. Forty years old na. Hindi naman gaanong kaguwapuhan pero sa tingin pa lamang tipong mabait.
"Bago ka rito sa Riyadh ano?" tanong nang magdait ang aming mga balikat habang pumipili akong sabon at shampoo sa store na malapit sa Quiapo restaurant.
"Oo," bantulot kong sagot. Tumingin ako sa paligid at baka may makakitang motawa.
"Huwag kang matakot, hindi naman pumapasok dito ang motawa.
"Bawal nga ba talaga rito ang mag-usap ang lalaki at babae na hindi magkaanu-ano?" tanong ko.
"Oo."
"Paano kung may hihinging tulong?"
"Ibang kaso siyempre iyon. Pero ang korni ng batas dito sa Saudi no Kabayan?" sabi pa ni Ramon.
Tumango ako.
"Ikaw matagal na ba rito sa Riyadh?"
"Matagal na."
"Gaano katagal?"
"Mahigit 20 years na. Narito na ako nang Gulf War. Akala ko nga tatamaan kami nang magpakawala ng Scud si Saddam."
"E di ang dami mo nang pera."
"Meron din. Pero ang iba binigay ko sa aking ama at ina. Pinag-aaral kong mga pamangkin ko."
Umakma akong aalis na.
"Kunin kong number mo," sabi ni Ramon.
"Bakit?"
"Tatawagan kita. Mabuti nang may kilala kang Pinoy dito. Anut anuman may tutulong."
Ibinigay ko.
Nagmamadali akong lumabas sa store.
Kinabukasan na wala ang aking mga amo ay nag-ring ang telepono. Si Ramon. Wala raw siyang magawa sa kanilang opisina kaya tumawag.
"Naiinip ako rito sa opisina namin."
"Ano bang trabaho mo?"
"Documentation clerk."
"Ano yon?"
"Parang clerk typist din. Maganda lang pakinggan."
"Ako secretary dati," sabi ko.
"Talaga? Bagay nga sa yo sexy ka e."
"Bola."
"Hindi bola."
"Marami nang nambola sa akin Ramon kaya hindi mo na ako kayang bolahin."
"May asawa ka na ba?" tanong niya.
"Biyuda na ako."
"Talaga? Parang dalagang-dalaga ka pa."
"Bola."
"Totoo. Hindi ako nagbibiro."
"Okey dalaga na kung dalaga."
"Ako naman e binata. Di ba ang binata e bagay sa dalaga?"
Humagalpak ako ng tawa. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended