Darang sa Baga (139)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

HININTAY ko ang pagdating ng magkapatid na sina Jen at Liza kinabukasan. Pinaghandaan ko. Laban na kung laban. Hindi ko sila uurungan.

Pero hindi dumating ang dalawang bruha. Hindi rin dumating ng sumunod na araw. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Baka mabisto rin ang lihim namin ni Carlo. Hindi ako mapakali. Palagi akong nasa tabi ni Fil at inaasikaso ko.

Sinubukan kong bumili ng sigarilyo. Isang kahang Marlboro. Nag-aral akong manigarilyo. Iyon ay paghahanda sa inamin ko kay Jen at Fil na naninigarilyo para mapagtakpan ang lihim. Mabuti na ang handa kaysa naman hindi. Isang stick lang ang naubos ko. Nauubo ako. Hindi talaga ako ubrang manigarilyo. Ang baho pa sa bibig. Kahit na nagtoothbrush na ako ay may amoy pa rin ang bibig ko.

Sadya kong ipinaamoy kay Fil ang aking hininga para maniwalang naninigarilyo nga ako.

"A-amoy s-sigarilyo k-ka?" tanong niya.

"Di ba naninigarilyo nga ako sabi ko sa’yo..."

"M-mabaho."

"Kailangan ko kasing manigarilyo. Pampaalis ng tension…"

"H-huwag l-lang g-grabe b-baka ka mag-kasakit k-ka."

"Mabaho ba ang bibig ko?"

"O-oo. H-hindi ma-masarap."

"Talaga?"

Tumango.

Sa pagkabigla ni Fil ay siniil ko ng halik sa labi. Tinagalan ko. Kinalikaw ko ng dila ang bibig.

"N-nena…" sabing impit ni Fil.

Lalo kong siniil ng halik.

Hindi pa ako masiyahan ay dinama ko ang "Ibong Adorno" niya. Nagbabakasakaling magkaroon ng buhay.

"N-nena…"

Wala na talaga ang "Ibong Adorno". Wala nang pag-asa. Ako lamang ang nahirapan.

Kinagabihan dakong alas-sais ay dumating si Carlo. Agad kong pinapasok.

"Puwede ano?" tanong.

Tumango ako.

(Itutuloy)

Show comments