Darang sa Baga (Ika-134 na labas)
January 24, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
SINUNDAN ko si Jen nang palihim makaraang lumabas sa kuwarto. Malaki ang aking kutob na hindi siya aalis ng condo kahit na sinabihan pa siya ni Fil na umalis na. Kabisado ko na si Jen. Maraming iniisip at masyadong matalino sa pakikipaglaban. Mas mautak si Jen kaysa kapatid na si Liza.
Sa guest room nagtuloy si Jen. Noon pa man ay alam na niyang dalawa ang kuwarto sa condo. At maski ang kapatid nitong si Liza ay alam din ang guest room.
Kinabahan ako sa pagpasok ni Jen sa loob. Paano kung makakita ng ebidensiya na may ibang taong natulog doon? Tiyak na masama ang katayuan ko. Baka may naiwan si Carlo roon na magdidiin sa akin. Matalino si Jen.
Bumalik muli ako sa kuwarto namin ni Fil.
"Inaantok ka na Fil?"
"H-hindi p-pa!"
"Alas diyes na Fil."
"S-sige matutulog n-na ako. S-si J-jen u-umalis na?"
Hindi agad ako nakasagot. Kung maglilihim ako baka ako ang masisi. Kung sasabihin ko, baka may masamang mangyari.
Hindi ako nagsinungaling. Sinabi kong nasa guestroom si Jen at doon natutulog.
"A-ang w-walanghi- yang y-an!" sabi at naibagsak ang kanang kamao sa kama. Umuga.
"Fil! Huwag kang magalit. Masama."
"H-hayop t-talagang b-babaing yan."
"Hayaan mo na Fil. Bukas na siguro siya aalis. Gabi na. Baka may mangyari sa kanya pag-uwi."
Natahimik si Fil. Ilang minuto pa at nakita kong tahimik na tahimik na. Himbing na. Kinumutan ko. Hindi ko alam kung paano matutulog sa tabi niya.
Pinili kong mahiga sa sopang nasa loob ng aming kuwarto.
Kinabukasan ay panibagong problema na naman. Mabigat. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended