^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-131 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

SI Jen ang nagsara ng pinto. Sinadyang isinara para marahil galitin ako. Hinahamon ako ng away. Malakas ang loob dahil narito rin ang kapatid na si Liza. May katulong siya halimbawa pag mag-away muli kami.

Ang hindi ko alam ay kung paano nalaman ni Jen na lumabas ako ng pinto. Kanina, nang lumabas ako para tingnan si Carlo ay wala akong nakitang ibang tao sa salas. Ang alam ko nasa loob na si Jen kasama ang ama at ang kapatid. Kung nakita niya ang paglabas ko, posible kayang nakita rin niya ang pag-uusap namin ni Carlo habang bumababa sa hagdanan.

Humakbang ako pabalik sa kusina. Si Jen ay nanatiling nakatingin sa akin. Hindi siya umaalis sa kinatatayuan. Hindi ako makatitig kay Jen. Iyon ang isang kahinaan ko, hindi ako marunong makipaglaban ng tinginan. Ako ang unang sumusuko.

Kung nakita ako ni Jen habang kausap si Carlo tiyak na ura-urada akong babakbakan. Hindi na ako papopormahin pa. Pero wala siyang ginawa. Sa halip nga ay parang siya pa ang natakot sapagkat hindi niya akalain na mayroon pala akong susi. At nabisto kong siya ang may kagagawan kaya nakasara ang pinto. Sinadya niyang isara iyon para magkaroon muli ng pag-aawayan. Hindi siya nagtagumpay. Natalo ko ang gaga!

Ganoon pa man, iniisip ko pa rin kung hanggang kailan tatagal ang magkapatid sa condo? At paano kung tuwing gabi ay narito sila para dalawin si Fil? Paano kaming dalawa ni Carlo.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

GANOON

HINAHAMON

HUMAKBANG

ITUTULOY

IYON

JEN

MANDALUYONG CITY

SI JEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with