^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-129 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

HINUHUGASAN ko ang baso dakong alas-kuwatro ng hapon nang makarinig ako mahihinang katok sa pinto. Kinabahan ako. Tiyak na kay Carlo na ang katok na iyon! Walang tigil ang tibok ng puso ko. Delikado ang kalagayan namin kapag nagkataon. Mahuhuli kami ni Liza.

Hinayaan kong kumatok nang kumatok. Pero naisip ko na baka si Liza ang lumabas sa kuwarto at magbukas ng pinto. Makikita niya si Carlo. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya kapag nangyari ang ganoon. Malaking gulo! Bahala na!

Tinungo ko ang pinto. Bago ko binuksan ang pinto ay sinilip ko muna kung sino ang nasa labas. At lalo akong nagimbal. Hindi pala si Carlo kundi si Jen – ang isa ko pang kaaway na mortal. Nakadama ako ng kaba. Nakita na ni Jen si Carlo noon. Hindi ba’t ito ang pinagsimulan ng lahat kung bakit lumalim ang aming away. Pinagbintangan akong nanlalalaki. Natitiis ko raw iwan si Fil sa condo para ako makipagtagpo sa lalaki.

Kagaya ng ginawa kong pagbubukas kanina kay Liza, ganoon din ang ginawa ko kay Jen. Para bang wala akong nakita.

Nang makalampas si Jen sa harapan ko ay isinara ko ang pinto.

Wala pang kalahating oras ang nakalilipas mula nang dumating si Jen ay dumating na si Carlo.

(Itutuloy)

BAHALA

DELIKADO

HINAYAAN

ITUTULOY

KAGAYA

KASAYSAYAN

KINABAHAN

MAHUHULI

MANDALUYONG CITY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with