Darang sa Baga (Ika-127 na labas)
January 17, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
NAGPUMILIT pumasok si Carlo. Hindi ko naman mapigil. Maasim ang mukha dahil sa sinabi kong huwag muna siyang matulog ngayong gabi.
"Bakit ba nagbago ka naman ng plano?" tanong na para bang gusto akong kainin.
"Tinatawag niya ako kagabi pero hindi ko na-rinig. Nakaihi sa pantalon..."
"Puwede mo naman siya silipin kahit na magkasama tayo sa guest room."
"Gusto niya lagi akong nasa tabi niya."
"Ang arte naman "
"Please Carlo "
"Bakit natatakot ka pa ngayon e ilang gabi na ngang magkasama tayo."
"Baka maghinala na."
Napabuntunghininga si Carlo.
"Bukas ka na lang bumalik, okey?
"Paano ako nakasiguro na hindi mo siya tatabihan sa higaan?"
"Gagawa ako ng paraan. Basta huwag ngayon."
Napabuntong-hininga muli si Carlo. Malalim.
"E kung ngayon ka gumawa ng paraan?" tanong na para bang hindi matanggap na uuwi siyang bigo ngayong gabi. Nag- babakasali.
"Nasabi ko nang katabi niya ako. Nagdahilan kasi akong masakit ang tiyan kagabi kaya sa sopa nga ako natulog "
Walang nagawa si Carlo. Sumunod din kahit na masama ang loob.
"Agahan mo na lang ang dating bukas, Carlo " sabi ko at hinalikan siya sa labi.
Umalis na si Carlo.
Kinabukasan ay mas lalong malaki ang problema. Dumating ang isang anak ni Fil at mukhang dito pa matutulog. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended