Darang sa Baga (126)
January 16, 2006 | 12:00am
"Ma-masakit p-pa ang t-tiyan mo?"
"Hindi na."
"K-kasiy p-parang t-tense k-ka."
"May naaalala lang ako."
"T-tungkol s-saan?"
Mabilis akong nakapag-isip ng dahilan.
"Tungkol sa kapatid kong si Maricel."
"B-bakit a-ano t-ungkol sa kanya?"
"Di ba ang pangako mo e ipapasok mo siya ng trabaho sa kompanya nyo "
"O-oo nga. H-hindi k-ko naman na-nalilimutan yon."
"Maaari mo pa siyang maipasok kahit na wala ka na roon? "O-oo. S-stock holder na-naman a-ako d-doon d-di b-ba?"
Sinabi na nga niya sa akin iyon noon.
"B-bukas t-tawag ako o-opisina. P-papuntahin m-mo roon si M-maricel "
"Oo. Fil."
"M-maliit n-na p-problema yan,"sabi pa.
Nang mag-alas siyete ay nakarinig ako nang mahihinang katok sa pinto. Si Carlo na marahil iyon. Nagpaalam ako kay Fil para lumabas.
Si Carlo nga. Hindi ko na pinapasok. Pinakiusapan kong bukas na lang ng gabi siya bumalik dahil delikado.
Umasim ang mukha ni Carlo.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended