^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-125 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

"HINDI ko narinig ang tawag mo Fil," sabi ko habang hinuhubad ang kanyang brief na basa ng ihi.

"B-bakit b-ba d-doon k-ka na-natulog sa sopa?"

"Masakit nga ang tiyan ko. Nagtatae ako. Kaysa naman maabala kita sa pagbangon ko, doon na lang ako natulog."

"O-okey l-lang n-naman."

"Sa iyo okey pero sa akin hindi. Sorry ha?"

"Mamaya s-saan ka matutulog?"

Napamulagat ako. Hindi ko inaasahang itatanong niya agad iyon.

"Siyempre dito…kung hindi na masakit ang tiyan ko," sagot ko.

"B-bumili k-ka n-ng g-gamot?"

"Oo."

"M-masakit p-pa?"

"Kanina masakit. Medyo hindi na ngayon."

"K-kung m-masakit o-okey l-lang n-na s-sa s-sopa k-ka m-matulog."

"Hindi ka magagalit?"

"O-okey n-nga l-lang k-kahit n-naihi a-ako."

Pinalitan ko ang brief niya. Sa pagpapasok ko ng brief sa kabilang paa, hindi sinasadyang nasanggi ko ang "Ibong Adorno". Tulog ang Ibong Adorno. Walang malay sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kawawa naman si Fil.

"Sorry Fil ha?" sabi ko uli.

"O-okey l-ang."

Hinalikan ko siya sa pisngi. Pero habang hinahalikan ay si Carlo ang iniisip ko. Paano ang gagawin ko pagdating niya mamaya? Usapan naming, gabi-gabi ay narito siya at dito matutulog. (Itutuloy)

HINALIKAN

IBONG ADORNO

ITUTULOY

KANINA

KASAYSAYAN

KAWAWA

MANDALUYONG CITY

SORRY FIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with