Darang sa Baga (Ika-106 na labas)
December 27, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City.)
"ANO ba Carlo?"
Pero ang tanong kong iyon ay hindi na pinansin ni Carlo.
Naisapo ang kanang kamay sa aking dibdib. Hindi na inalis doon.
"Walanghiya ka Carlo!"
"Walanghiya na kung walanghiya! Ako naman dati ang nagmamay-ari nito "
"Bastos ka!"
Nagpipiglas ako para maalis ang pagkakahawak sa suso ko. Pero nakapagkit na roon. Hindi naman naglilikot kundi nakahawak lang.
Nasa ganoong sitwasyon nang marinig ko ang tawag ni Fil mula sa loob ng kuwarto. Nagising na. Baka may ipagagawa sa akin.
"Bitiwan mo ako. Tinatawag ako ng asawa ko."
"Hihintayin kita rito."
"Maghintay ka sa lolo mong panot."
Mabilis akong nagtungo sa kuwarto. Nakita kong nagpipilit bumangon si Fil pero hindi kaya.
"Bakit Fil?"
"G-gusto k-kong makita a-ang l-labas ng bintana "
Akala ko ay kung ano na.
Inalalayan ko siya at saka isinakay sa wheelchair. Nang maisakay ay saka ko inilapit sa may bintana. Habang ginagawa iyon ay si Carlo ang naiisip ko. Nasa salas pa kaya ang walanghiya?
"G-gusto k-ko m-magbakasyon s-sa P-pinamalayan beach Nena "
"Kailan mo gusto?" Tanong ko kunwari kahit na alam kong hindi na siya uubrang magbiyahe.
"S-sa I-isang l-linggo "
"Sige."
Nailapit ko siya sa bintana. Tinanaw niya ang maulap na papawirin at ang kulay asul na bundok sa dako roon.
Ako naman ay si Carlo ang naiisip. Nasa salas pa kaya ang hayop na iyon! (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended