Darang sa Baga (104)
December 25, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
HINDI ko inaasahan ang biglang pagdating ni Carlo. At sinisisi ko rin naman ang sarili kung bakit agad na binuksan ang pinto. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataong maitulak ako papasok at ang labis kong ikinabigla ay ang pagyakap niya sa akin. Mahigpit. Hindi ako makawala sa higpit ng yakap.
"Walanghiya ka Carlo!" sabi ko at itinulak siya.
"Mahal pa rin kita Nena," sabi at lalo pang hinigpitan ang yakap. Habang ang bibig ay nakasakmal sa puno ng taynga ko.
"Walanghiya ka! Walanghiya! "Alam kong ako pa rin ang mahal mo Nena. Hindi ka makapaglilihim sa akin. Alam ko rin na labis ang problema mo "
"Wala kang pakialam sa akin. Pakawalan mo ako "
"Alam ko, matagal ka nang nauuhaw, Nena. Hindi ka maaaring magkaila sa akin "
"Wala kang pakialam!"
Sa ginawa kong pagtanggi ay lalo lamang naging ulol si Carlo at pinagapang ang bibig sa leeg ko. Nanindig ang aking balahibo sa paglapat ng matalas niyang bigote. Tila maliliit na tinik na gumagapang sa kalambutan ng aking leeg.
"Pakawalan mo ako Carlo! May asawa na ako!"
"Hindi ka kasal sa kanya. May karapatan pa ako kung tutuusin dahil inagaw ka lang niya sa akin "
"Mahal ko siya Carlo."
"Ang pera niya siguro."
"Walanghiya ka! "Nalaman ko sa nanay mo. Ikinuwento sa akin."
"Wala kang pakialam sa akin kahit na ano ang gawin ko sa buhay ko."
"Tayong dalawa ang nagmamahalan di ba?"
"Noon iyon. Hindi na ngayon!"
"Huwag mong dayain ang sarili mo Nena. Alam ko hirap na hirap ka na sa pag-aalaga ng asawa mong baldado "
"Bakit alam mo ang lahat Carlo?"
"Kapag mahal mo ang isang tao, gagawa ka ng paraan para malaman ang lahat nang nangyayari sa kanya. At alam ko ang paghihirap mo, Nena. Hindi ka makapagsisinungaling sa akin "
Lalo lamang akong nagpipiglas sa pagkakayakap pero lalong humigpit at naging mabangis si Carlo.
Hinalikan ako sa labi. Naibuka ang bibig ko at nilaro iyon ng kanyang dila.
Tila may nasasaling sa aking kaibuturan. Tumitindi. Nag-iinit ang aking katawan. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended